KABANATA I
ANG PANIMULA
A. Rasyonale ng Pag-aaral
Ang
pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na
kinakailangang bigyang linaw, patunay, o pasubali. Bi- nubuo ito ng mga proseso
ng paglilikom, pagtatanghal, pagsusuri, at pagpapaliwanag ng mga
pangyayari o katotohanan na nauugnay sa espekulasyon ng tao sa katotohanan.
Ayon kay San Miguel (1986) ang pananaliksik ay isang
sining tulad ng isang komposisyon ng musika kaya't kaming mga mananaliksik ay
sinusubukang bigyan ng maingat at tamang paghatol ang pagsusuri kung anong hiwaga
ang matutuklasan sa pelikulang
Bollywood.
Ang
Bollywood ang tawag sa popular movie making industry ng Indya na galing sa Mumbai (kaya tinawag na Bollywood; pinagsamang Bombay--old name ng Mumbai at
Hollywood). Ito ay isang film sa industriya na may maraming genre. Marahil, ang pi- nakamalaking impluwensiya ng Bollywood ay
naging sa nasyonalismo sa mismong In-
dia. Ito rin ay naging bahagi at parsela ng kwento ng Indya noong mga
panahong sila ay nagpupunyagi sa kakulangan ng sariling
kalayaan.Nag-rerepresenta ito sa India bi-
lang kaisahan, hindi lamang sa isang partikular na relihiyon, wika,
heograpikal na lugar, o caste. Sa mga nagdaraang taon, unti-unting nagsimula
ang Bollywood na maging ma-impluwensya sa musical films ng mga taga- Kanluran at sa
ibang panig ng mundo.
Ang Mumbai ay batay sa Hindi language film industry, na kung saan
ito ay bansag na tawagin bilang Bollywood.
Gumagawa ito ng higit sa 800
na mga pelikula bawat taon. Sa mga pelikulang ito,
tinatampok ang mga kantang matatanyag sa India at madalas na binansagang “heartline of Indian popular culture”. Sa katunayan, ang mga kantang
Bollywood ay isa sa mga pinakahinahanap na aytem sa Web mula sa India. Sa
paglipas ng dekada, ang mga musika na ito ay naiimpluwensyahan ang buhay at
kultura hindi lamang sa India, ngunit karamihan sa mga bansang mula sa Asya,
Aprika, Silangang Europa, at kamakailan lamang ay sa North America.
Kadalasan sa mga pelikulang
Bollywood ay naglalaman ng mga nakakapag-
antig na musika sa anyo ng sayawan at awitan. Ito ay para makatulong
para mawili ang mga manonood at madagdagan ang madlang gustong manood ng
sinasabing pelikula. Ang sinaunang musikang ginamit sa industriya ay
naimpluwensiyahan ng mga klasikal na musika ng India. Gamit ang klasikal na “ragas” at “talas”. Ito ang nagbigay buhay sa industriya sa mga taong lumipas. Ito ay may
malaking parte sa kabuuan ng pelikula. Ang mga pangunahing direktor sa musika ng
Bollywood fims ay may iba’t ibang pinang-galingan, mayroong klasikal na
tinuruan, ang iba naman ay nasa tradisyon, at may ibang pansariling natuto lamang. Binibigyan ng
pansin ng mga pelikulang ito ang kaha- lagahan
ng sarili bilang isang tao. Ang kanilang mga paksa rin ay tulad ng mga star- crossed lovers at galit na mga magulang, love triangles, family ties, pagsakripisyo, korupt na mga pulitiko, kidnappers, mga
taong pahamak, nawawalang mga kadugo at kapatid na sinubok ng tandahana, at iba pang
iginuho ng trahedya.
Karapat-dapat
na ito ay suriin dahil kapag ang isang tao ay makapanood ng isang pelikula na gawa
sa bansang India, masasabi talagang mahusay sila gumawa ng mga pelikulang mapupulutan ng aral. Sa mga
eksena, makikita mo na pinag-isipan talaga ang bawat laban at hindi lang
"suntok-sipa-tadyak" formula. Pati na rin ang cine-matography at pangkalahatang postproduction ay pinagbuhusan ng
panahon. Kumbaga mayroon lamang konting kapintasan. Ang buong pelikula ay
mayroong tamang timpla ng takbo ng
storya, tamang timpla ng drama, tamang timpla ng kilig, tamang timpla ng aksyon, tamang timpla ng pagtagpi-tagpi ng mga
pangyayari, at may saysay ang lahat ng
karakter. Sa kabuuan, masasabing ang pelikulang Bollywood ay ekselente at glamo-roso
dahil sa uniqueness
na
tinataglay nito.
B. Paglalahad ng Suliranin
Ang buong paligid natin ay puno ng
suliranin. Kahit sa komunidad na ating tinitirhan pati na rin sa loob ng
klasrum na ating tinitigilan habang nakikipag-interaksyon tayong mga
mag-aaral’t guro, maraming suliranin na lumalabas. Mayroong mga suliranin na
madaling malulutas subalit ang iba nito ay masalimuot at nangangailangan ng mga
plano at hakbang. Sa pamamamagitan ng pag-aaral na ito, nais naming mga
mananaliksik na bigyan ng mga kasagutan, matamo at lutasin ang mga sumusunod na
suliranin:
1.)
Anu-ano ang mga bagay na ating matutuklasan sa likod ng mga pelikulang tatak-Indie?
Ito ba ay mapupulutan ng mga makabuluhang aral?
2.)
Bakit kadalasan sa mga pelikulang Bollywood ay may kaakibat na mga sayaw at awit?
3.)
Ano ang nakakapaghiwaga sa mga pelikulang ito?
3A. Tema
3B. Mensahe
3C. Musikang Inilapat
C.
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Layunin
ng Pag-aaral
Ang layunin ng mga mananaliksik sa paggawa ng
Pamanahonang Papel ng mga piling pelikulang Bollywood ay upang makahatid ng
kaalaman sa kultura at systemang pelikulang mga Indiano. Ito rin ay upang
makabigay ng inspirasyon sa mga manonood at mabigyang kulay ang kanilang
pag-iisip, mata at damdamin sa mga sining ng pelikulang Bollywood.
Mapalawak
ang kaalaman ukol sa mga pelikulang Indiano. Makakuha ng mga karagdagang
impormasyon ukol sa mga uri ng pelikul. Upang malaman ng mambabasa ang
kahalagahan ng mga pelikula sa buhay ng bawat isa.
Upang
malaman nila ang kaibahan at paraan ng mga Indiano pagdating sa pelikula at
kung paano isinasagawa ang kanilang pelikula na may halong musika. Para
rin malaman ng mga manonood na ang
kanilang pelikula ay sadyang natural at masasabing walang kapareha lalo na ang
estilong pag-arte ng mga artista at ang lugar na kung saan isinasagawa ang
nasabing pelikula.
Kahalagahan
ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito
ay upang mabatid sa isipan at damdamin
ng nga tao na kahit na magkaiba tayo ng tradisyon at paniniwala ay
nagkakaisa pa rin ang ating mga puso’t
isipan habang pinapanood ang kanilang pelikula dahil ito ay puno ng aral at
talagang nangyayari sa tunay na buhay.
Sa mga mag-aaral, angkop ito para sa
kanila dahil marami ring mga aral na pwedeng mapulot sa kanilang mga pelikula
at ang mga aral na iyon ay maaari naman
nilang magamit sa pang araw-araw na karanasan at pamumuhay bilang isang
estudyante.
Sa paraan ng pag-aaral na ito,
maaring makahanap ng mga mabisa at makabu-
luhang datos ang mga mananaliksik at magagamit nila ang mga nakalap na
imporma- syon sa tatlong aspeto: sa
personal na buhay, sa pag-aaral, at sa paraan ng pamumu- hay.
Makakapagbigay ng kalaman ang
pamahonang papel na ito sa mga guro, propesor o kaya't sa mga magulang na gustong malaman kung paano nila
matutulungan ang kanilang mga
estudyante't anak upang mabawasan ang pagkawala ng moralidad at kalinisan ng ugali dulot ng mga makabagong
teknolohiya at sa pamamagitan ng mga pelikulang inalabas ng mga Indiano,
magsisilbi itong leksyon para mamulat ang mga kabataan sa sidhi at kalupitan ng
pamumuhay ng mga makabagong tao sa mundong ibabaw.
D.
Batayang Teoritikal
Ang mga pelikulang gawa ng mga Indiano ay ilan
sa mga pinakasikat at tinatangkilik sa mundo. Gayunpaman, batay sa mga
dalubhasa’t mabusising pag-aaral ng mga kritiko, ang mga pelikulang ito ay
nanatiling minamiliit at hindi binibigyan ng kahulugan, hanga at importansya ng
karamihang tao na nagsasalita ng Ingles, sa bahagi na kultural na kadahilanan.
Sa
aklat ni Patrick Colm Hogan na “Understanding Indian Movies: Culture,
Cognition, and Cinematic Imagination” , tinatakda ng manunulat na sa
pamamagitan ng puspusan na pagtatasa at pagbibigay ng mga detalyadong paliwanag
ng kultura partikular na sa impormasyon tungkol sa kasaysayan ng India at iba
pang mga tradisyon ng bansa ay mababago ang isipan ng mga taong-Ingles at
kalaunan ay mauunawaan na nila ang mga kapuri-puring pelikula ng mga Indiano. Pinag-aralan ni Hogan
ang labing-isang mahahalagang pelikulang Bollywood na magsisilbing kasangkapan
upang masiyasat ang kayarian ng paksa, tema, damdamin, tunog, at estilo ng
visual sa Indian cinema.
Sa kabilang banda, mula pa noon, ang
pelikulang Bollywood ay laging natatangi at puno ng sining pati na rin sa moral
na aralin. Malinaw na nagpapakita ang bawat peli-kula kung paano naging kakaiba
ang kultura ng Indian. Ito ay binubuo ng sari-saring uri ng mga kanta at sayaw
na ginagampanan ng mga pangunahing karakter at inaaalayan ng maraming
sumusuportang tauhan. Bilang karagdagan, pagdating sa pagsasayaw at pagkanta,
marami sa mga manonood ay nagsasabing kamangha-mangha ang kanilang mga pelikula. Ang mga Bollywood na pelikula
ay bukod na hinahangaan sa Asya at sa mga karatig na bansa dahil sa aliw na hatid
nito sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang mga energetic na mananayaw,
makulay at kultural na mamihasang mga costume, at makabagbag-puso at
kagilas-gilas na tagpuan.
Ang figyur na nasa itaas ay nagpapakita
ng isang konseptong teoretikal na isa sa mga layunin sa isinagawang pananaliksik.
Nakasaad sa figyur ang mga paksang may kaugnayan sa epekto at sa magiging
apektado ng mga pelikulang Bollywood.
E. Saklaw at
Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon
sa mga pelikulang Bollywood at mga epekto nito sa pagbibigay kasiyahan at
libangan sa mga tao saanmang sulok ng mundo. Ito ay isasagawa upang makasagap
ng kaalaman sa kahalagahan ng mga pelikula
ng mga taga-India. Binibigyan pansin sa pananaliksik na ito ang mga
importanteng impormasyon ukol sa
konspeto. Ang pasusuring ito ay umiikot sa produksyon na gawa ng mga Indiano.
Sinasaklaw din ng pananaliksik na
ito ang pagsusuri kung alin ang nagpapa- hiwaga sa mga pelikulang Bollywood,
mga palagay ng mga estudyante ukol sa pag- lago ng impluwensya nito sa buhay ng
karamihan, at sa kung papaanong paraan na-kakatulong at nagagamit nila ang mga
aral na hatid ng mga pelikulang ito.
Isinasaalang-alang lamang dito ang
opinyon ng mga estudyante sa loob ng in-stitusyon ng St. Catherine's College.
Hanggang dito lamang ang saklaw ng panana- liksik na ito at hindi na masyadong
palalawakin pa.
Ang paglalahad ng mga datos na
nagpapahiwaga sa mga pelikulang tatak-
Indie ay isa sa mga tatalakayin sa pananaliksik na ito.
F. Depinisyon ng
mga Terminolohiya
Para sa kapakanan, kaalaman at
pag-unawa ng mga mambabasa, binigyang depinisyon ng mga sumusunod na terminolohiya
batay sa kung paano ito ginagamit sa pamanahonang papel.
Bollywood – Ito ay tumutukoy sa mga pelikulang
Indian. Isa ito sa pinakamalaking
sentro ng produksyon ng pelikula sa buong mundo.
Cinematography – Ito ay ang elementong nagpopokus
sa paggawa ng isang pelikula na tunay na nagbibigay- pakinabang sa karanasang
batid ng mga mata.
Dyslexia
–
Ito ay isang terminong ginamit sa pagtukoy sa isang pag-aaral ng kapansanan na
nagpapahina ng husay sa pagsasalita o pagbabasa na nagpapakita bilang isang
paghihirap na may kamalayang phonological, phonological na pagbabasa, pandinig
panandaliang memorya at rapid naming.
Eksena – Ito ay isang kaganapan o
pangyayari.
Pananalikisik – Ito ay ang paraan ng
paghahanap ng teoriya, pagsubok sa teoriya
o paglutas ng isang suliranin.
Genre – Ito ay tumutugon sa anumang uri
ng babasahin na nakasulat sa teksto.
Indie – Ito ay ang tawag sa mga taong nakatira sa
bansang India. Ito ay ibang terminolohiya sa salitang Indian.
Mumbai – Ito ay dating kilala bilang Bombay
(mula sa Portugese na Bombaim), ay ang
kabisera ng Maharashtra na isang estado ng India at pinakamaraming populasyon na lungsod sa India.
Penomena – Ito ay ang anumang estado o
proseso na kilala sa pamamagitan ng mga pandama kaysa sa pamamagitan ng Swersey
o pangangatwiran.
Postproduction – Ito ay ang gawain sa isang
pelikula o isang programa sa telebisyon, tulad ng pag-edit, dubbing, atbp, na
nangyayari pagkatapos makumpleto ang videotaping.
Ragas – Ito ay isang halimbawa ng kinikilalang
sayaw na may mahikang kapangyarihan na magpagaling ng sakit.
Talas – Ito ay ginagamit sa
klasikal na musika ng India para sa maindayog na huwaran sa kahit anong komposisyon.