KABANATA V
LAGOM, KONKLYUSON, AT REKOMENDASYON
LAGOM, KONKLYUSON, AT REKOMENDASYON
Inilahad ng huling kabanatang ito ang tungkol sa nakalap
na lagom, konklusyon at mga rekomendasyon ng pag-aaral.
A. Lagom
Ang isinagawang pag-aaral na ito ay nauukol lamang sa kahiwagaan
at epekto ng pelikulang Bollywood sa iba’t ibang panig ng mundo. Tinalakay sa
pag-aaral na ito ang mga natuklasan na mga paraan ng pelikula sa pagpili ng tema,
mensahe at musikang inilapat. Gayundin, tinalakay ang mga katanungang nasagot
ng pag-aaral na ito. Tinalakay din mula dito ang ibat-ibang opinyon ng mga
mananaliksik.
Makikita sa nakalakip na figyur sa Batayang Teoritikal na
ginamit ang Pananaw Humanismo sa kasanayang pelikula na Bollywood. Ito ay
napapatunayan sa pelikulang Taare Zamen Par (Every Child is Special) at Slumdog
Millionaire. Alam naman natin na ang Humanismo ay yumayakap sa katwiran ng tao,
etika, at hustisyang. Dito, binibigyan ng importansya ang dignidad at
kahalagahan ng isang indibidwal. Ito rin ay ang pagpapahalaga sa sarili at
kapwa.
Habang sinasaliksik ang mga datos na ipiniresenta sa
nakaraang kabanata, napagtanto na apagdaanan na ng industriya ng pelikula sa India
ang iba’t ibang dekada ng pagbabago sa mga aspeto ng paggawa nito. Natunghayan
ang iba’t ibang genre na nireresiklo bawat taon, ang mga naging sikat na
tambalan, pag-uso ng aksyon films at indie films, at kombinasyon ng mga genre
upang makabuo ng panibago at iba pa. Sa pagpasok ng taong 2000’s, unti-unting
nagsulputan ang mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula. Sa pagpasok
din ng taong ito, nalapatan ang mga dating hindi klarong tunog, ang mga hindi
makatotohanang effects (biswal man o musika), at ibang aspeto nito. Dumaan pa
ang ilang taon at mas naging makabago ang mga teknolohiya na ginagamit sa
paggawa ng pelikula. Kabilang na dito ang iba’t ibang paraan ng video editing
at iba pa.
Sa taong 2007, ang paglabas ng pelikulang Every Child is
Special ang nakakapag-antig sa puso ng mga manonood mula sa ibang bansa. Kahit
saan ka man magtanong, tanyag at kilala ang pelikulang ito dahil sa kakaibang
daloy ng kwento na taglay nito. Sa taong 2008, ang pelikulang Slumdog
Millionaire ay nasali sa tatanghalan sa kilala at pinakahihintay na Oscars sa
taong iyon.
B. Konklusyon
Pagkatapos ng maingat na pagtalakay at pagsuri sa mga datos
ng pananaliksik, inilahad ang mga sumusunod na konklusyon:
Na iilan lamang ang mga nagsasagawa ng pag-aaral sa ideyang
ito, karamihan sa pag-aaral ay sumuri lamang sa dami ng mga taong tumatangkilik
dito.
Karapatdapat na tangkilikin ang mga pelikulang gawang
Indiano dahil pinipreserba nila ang kanilang kulturang kinagisnan at binigyang
halaga ang kanilang pinanggalingan. Malinaw natin itong natutunghayan sa
kanilang mga pelikulang Bollywood kaya tama lang na bigyan ng pangmalawakang
suporta at pagtangkilik ang kanilang mga gawa para sa gayon ay maisulong na rin
ang pagiging makabayan ng bawat isa sa kanilang tradisyong kinalakihan na dapat
lang ipagmalaki sa buong mundo.
Ikatlo, sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga pelikulang
Bollywood makaka-ambag tayo sa kitang pang-industriya ng mga Indiano dahil
parte nito ang naglilikom sila para maka-ambag sa pamumuhay ng mga mamamayang
Indiano lalo na sa mga dukha at mahihirap sa kanilang bansa. Maraming buhay ang
ma-iaangat kung patuloy nating susuportaan at palalaguin ang industriyang
Bollywood.
C. Rekomendasyon
Matapos ng isinagawang pagsusuri at pag-aaral sa
ikauunlad ng pananaliksik tungkol sa pelikulang Bollywood, iminumungkahi ang
mga sumusunod:
- Na dapat ay mas pag-aralan pa ang mga magiging epekto pa nito at pag-aralan din hindi lang ang mabuting epekto nito kung hindi ang masamang epekto nito sa estado ng pelikula, upang higit na gumanda pa ang larangan pagdating sa pagtatangkilik ng mga pelikulang Bollywood.
- · Mairerekomenda rin ito sa mga taong mahilig sa pelikula upang makadagdag sa kanilang kaalaman na hindi lamang basta-bastang pelikula ang gawa ng mga Indiano.
- · Kung mga pelikula na puno ng mga makabuluhang aral ang pag-uusapan, ang gawa ng mga Indiano ang dapat na panoorin.
- · Sa panahon ngayon, madami ng mga kabataan ang lulong sa iba't ibang temptasyon kaya kailangan nilang mamulat sa kasidlakang ito sa pamamagitan ng mga inspirational movies dahil ang pelikula ay sinasabing pinakamaimpluwensiya sa lipunan.
- Kailangan ng patnubay ng mga magulang ang mga kabataaan na manonood ng mga pelikula dahil hindi maiiwasan na mayroong mga senaryong hindi angkop sa mga batang manonood.
- · Sa pelikula, hinahangad namin na sana ay lagyan nila ng subtitles na angkop sa lugar kung saan ipapalabas ang kanilang hinandang pelikula.
- · Mas palawakin pa ang mundo ng kagandahan ng musika sa pelikula.
- · Kaugnay nito, sana sa karamihan sa mga prodyusers ng mga pelikula ay magbibigay daan upang magkaroon ng bagong lahi ng mga filmmakers na inaasahang muling magbabalik ng kinang sa industriya ng pelikula sa mundo.
- · Isa sa mga naging positibo at magandang epekto ng kasalukuyang panahon ay ang pagkakaroon ng sapat na teknolohiya upang mabago ang biswal na aspeto ng isang pelikula. Hindi lamang sa aspetong ito, kung hind imaging sa iba pa. Sana ay patuloy pa ang mga taong ito na gumawa pa ng mga nakakabighaning mga pelikula.
- · Sa mga prodyuser at mga Bollywood filmmakers, sana ay paiklian lang ang oras ng kanilang kabuuang pelikula dahil mayroong ibang manonood na nababagot. Hindi lang naman teenagers o mga may edad na ang nanood ng kanilang pelikula kundi pati na rin ang mga bata dahil may ibang pelikula na bukas lang para sa lahat at walang pinipiling edad. Minsan kasi ay nanghuhusga ang iba dahil sa haba ng kuwento at hindi na rin nila ito itinutuloy. Kadalasan ng mga manonood ay naghihintay sa kasukdulan ng isang pelikula at lalong-lalo na sa katapusan nito dahil dito na makikita kung gaano ba talaga kaganda ang pelikula.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento