Huwebes, Oktubre 16, 2014

KABANATA III: DISENYO AT METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK



KABANATA III
DISENYO AT METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK


A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Ang Palararawan/Deskriptibong Metodolohiya (Descriptive Method) ay idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito'y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarang nilinang.
Sa paggawa ng aming pamanahong papel, gumamit kami ng dalawang paraan upang makakuha ng mga datos. Ang isa sa mga ito ay ang pagsasagawa ng personal na panayam. Nagsagawa rin kami ng isang deskriptibong pananaliksik upang makakalap ng mga dokumento namakapagbibigay suporta sa aming datos na nakuha mula sa pakikipanayam.Sa pagsasagawa nitong pag-aaral, naging malaking tulong ang internet at mga libro para sa aming pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Case Study Method (Pag-aaral ng Kaso) para makalikom ng mga datos. Ang napiling anyo ng pananaliksik ay masusing pinag-aralan ng mga mananaliksik. Bilang mga mananaliksik, nakakabuti para sa aming mga baguhan sa proyektong ito na malaman ang mga paraan ng pananaliksik. Ang mga uri ng Paglalarawang Paraan o Deskriptibong Pananaliksik ay ang mga sumusunod:
1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) - ang paraang ito'y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey - Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.
Lawak ng Sarbey
2.1. Sensus - isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
2.2. Sarbey - ilang bahagi lamang ng populasyon.
3. Mga Pag-aaral na Debelopmental - sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.
Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental
3.1. Longitudinal p Mahabang Panahong Paraan - Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.
3.2. Kros-Seksyunal na Paraan - (Cross-Sectional Method) Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba't ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.
4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) - Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.
5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) - Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.
7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba't iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa't isa sa target na populasyon.
Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong pag-aaral ng kaso bilang deskriptibong pananaliksik at paglalahad ng opinyon sa bawat isa ng mga mananaliksik para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng mga datos at ang paraang ito'y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon. Inilarawan sa kabanatang ito ang pelikulang Bollywood, at malalaman dito ang epekto at kahalagahan ng uri ng pelikulang ito.


B. Metodolohiya

Paraan ng Pananaliksik

Upang maisagawa ang pagsusuri sa pelikulang Bollywood, ginamit sa pag-aaral na ito ang palarawang pagsusuri. Gamit ito, inilalarawan, itinatala, sinusuri at ipinapaliwanag nito ang estado ng paglaganap ng pelikulang gawa ng mga Indian sa buong mundo ngayon.

Instrumento

Sa pag-aaral na ito, gumamit ng journal o mga artikulo at ilang pag-aaral mula sa internet at iilang mga libro patungkol dito. Gamit ito, matatanto ang epekto at kahalagahan ng pelikulang sinusuri.
Ang aming pag-aaral ay naglalayong alamin at tuklasin kung ano ang nagpapahiwaga sa pelikulang Bollywood kung kaya’t ang kaming mga mananaliksik ay mayroong kanya-kanyang reaksyon tungkol sa pelikulang “Every Child Is Special”(2007) at “Slumdog Millionaire”(2008). Sakop lamang ng aming panayam ang mga mananaliksik na talagang nanood ng mga nasabing pelikula. Sa ganitong paraan namin masisiguro na ang bawat isa sa aming manunuri ay mayroong mabibigay na pahayag tungkol sa pelikulang Bollywood ngayon. Ang mga respondente ay ang mga sumusunod:
1. Angelette Lyca Pizaña
2. Raeselle Resurreccion
3. Kaylie Lawas
4. Lord Rayce Wamar
5. Raye Johann Mariñas
6. Donna Angelica Cabantoc
7. Kent Truman Cabellon

Mga Hakbang sa Paggawa ng Deskriptibong Panananaliksik

Masalimuot ang paggawa ng isang sulating pananaliksik o pamanahonang papel. Bunga ito ng pagbasa sa init na dulot ng pakikipambuno sa mga libro ay laybrari, pagpupudpod sa utak kung paano gagawin o sisimulan, paghahati-hati sa panahon upang mabahaginan ng sapat na oras sa dami ng iba pang pinagagawa kagaya ng paghahanap ng mga impormasyon galing sa internet.
Ginamit sa pag-aaral ang mga iba’t ibang sumusunod na paraan:
1. Naghanap sa internet ng ibat-ibang artikulo ayon sa paksa.
2. Nilikom ang mga artikulo at binasa ng maigi hanggat sa makakuha ng mga mahahalagahang impormasyon at mas pinatibay pa ito.
3. Nilimitahan ang saklaw ng paksa at gumawa ng istorya simula sa pinagmulan ng idea mula sa nagdaang panahon hanggang sa kasalukuyang panahon.
4. Nagsagawa ng ilang mga katanungang ayon sa paksa.
5. Inilahad ang importansya ng pananaliksik na ito.
6. Binigyang diin ang ideya upang mas lalo pa itong tumibay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan na ginamit sa pananaliksik na ito.
7. Naghanap pa ng ibat-ibang impormasyon ukol sa kahalagahan ng ideyang ito mula sa ibang lugar o bansa na nakaapekto sa bansang Pilipinas.
8. Dinagdagan ang mga impormasyong nakalap mula sa iba’t-ibang artikulo ng mga impormasyong galing sa sariling pagkaunawa sa paksa.
9. Paghahanda ng bibliograpiya.
10. Inilahad din ang mga personal na panayam ng mga mananaliksik sa artikulo.
11.Inilathala sa “hiwagangpelikulangbollywood2007-2008.blogspot.com” ang mga datos para sa pananaliksik na ito.

9 (na) komento: