Huwebes, Oktubre 16, 2014

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL



KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Sa pagbubuo ng pag-aaral na ito na pinamagatang “Pagtuklas sa Hiwaga ng Pelikulang Bollywood 2007-2008”, ang mga mananaliksik ay naglalayon na mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin na nasa naunang pahina.
Sa panahon ngayon, nakikita ng ilan ang malaking impluwensiya ng mga banyagang pelikula at  ang kahalagahan nito sa patuloy na pagsulong ng industriya. Sa katunayan, nasisiyahan ang mga manonood kapag nakakapanood sila ng mga pelikulang gawa sa labas ng bansa at ito ay tinatangkilik.
Ang pelikula ay isang obrang pansining na kakikitaan ng galing, tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga ng tao o bansang pinagmulan nito. Ito ay salamin ng bayan dahil mayroong responsibilidad sa dimensyong sosyal. Ito ay isang uri ng media na may malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood. Iba-iba ang pinapaksa ng pelikula. Ang pagsasagawa ng pelikula ay nangangailangan ng mahabang proseso. Maraming salik o elemento ang isinaalang-alang. Dapat maayos na ipinapahatid ng direktor ang mensahe ng pelikula sa mga manonood. Kinakailangan ring mabigyang lalim at bisa ang pagsasabuhay ng mga karakter at makatarungan ang pagganap ng mga actor at mga aktres. Bigyan rin ng importansya ang sinematograpiya. Kabilang na dito ang anggulo ng kamera, ang bawat galaw, ang layo o lapit na nais marating, liwanag at dilim sa pag-iilaw, mga hugis, anino at kulay dahil ito ay nakaka-ambag upang makagawa ng masining na pelikula.
      Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral mula sa lokal at banyaga na nakalap ng mga mananaliksik hinggil sa paksa ay ang mga sumusunod:

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa isang magasin na inilathala ni Mary Rose Magcamit (2013) nakasulat dito na ang isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon. Sa tulong ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga kuwentong unang narinig at nabasa ay maaari nang masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng sining—ang pelikula.
Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki ang naitutulong ng teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay ang mga natatanging akda.
Ang pagsasalin sa pelikula ng mga akdang nakalimbag ay isang pamamaraan upang makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya ang mga katutubong kuwento, epiko, alamat, talambuhay, at nobela na sumasalamin sa ating kultura at kasaysayan.
Sa dami ng mga palabas na mula sa ibang bansa, wala na atang tatalo pa sa mga programang galing sa mga Asyanong bansa sa dami at sa lawak ng impluwensiya sa mga Pilipinoat sa wikang Filipino. Mula sa mga istasyong nag-ere ng mga palabas na asyano, naidagdag saating leksikon ang mga salitang Asianovela (Asya + Novella) na katawagan sa mga palabas na mulasa kapit-bansa sa Asya na unang ginamit sa mga internet forums at tuluyang lumaganap at ginamitng madla, Koreanovela, Taiwanovela at Japanovela o Jdorama na ginagamit sa kasalukuyan upang tukuyan ang pinagmulang bansa. Pinakamarami rito ay ang mga seryeng mula sa Korea tulad ng Lovers in Paris, Jewel in the Palace, Dong Yi, Princess Hour at Full House. Matatandaang angekspresyong Aja! ay galing sa Lovers in Paris na naging ekspresyon rin ng marami sa atin. Isa sa mga pangunahing dahilan na itnituro ng patuloy na pagsikat ng mga naturang programa ay malinisat maayos na takbo ng kwento ng mga ito. Kasama na rin dito ang pag-iiba-iba ng mgamagkatambal na artista sa bawat palabas.
Ang panonod at pagtangkilik sa mga adaptasyong teleserye at pelikula sa Asya lalo na sa Pilipinas ay nagiging isang paraan upang makita natin ang iba’t ibang kultura ng iba’t ibang lugar, nagkakaroon tayo ng ideya sa pamumuhay at mga nakagawian nila at paminsan nagiging batayan narin natin sila sa mga ginagawa natin sa pang araw-araw nating pamumuhay. Nagiging paraan ito upang mas maintindihan o maunawaa natin ang kanilang paniniwala at kultura na nagiging dahilan upang respetuhin natin ito.
Kinagigiliwan ng maraming Pinoy ang teleseryeng Asyano dahil na naglalarawan ito ng tunay na buhay kaya nakaka-“relate” ang mga manonood, dahil na rin siguro sa mga magagaling na mga actor at dahil sa mismong takbo o kwento nito na iba sa normal o kadalasang nakikita natin sa mga teleserye natin kaya mas naeengganyo tyong panoorin ang mga ito. Dahil din sa makatotohanang mga sitwasyon at magandang paraan ng pagpapalabas ng mga ito. Nagiging dahilan din ang mga lugar at magagandang tanawin na naisasama nila sa mga teleserye.
Ang paglaganap ng mga adaptasyong teleserye at pelikula sa Asya ay nagbibigay pagkakataon upang malaman natin ang kanilang kaiibang pamumuhay at kultura kumpara sa atin. Dito natin mararanasan ang “diversity” ng iba’t ibang mga bansa sa Asya. Ito ay nakakatulong rin sa tuwing gusto nating makapunta sa ibang bansa, tayo ay nakakalam ng mga “social norms” para hindi naman tayo mapahiya pagdating doon.
Tinatangkilik ng maraming Pinoy ang teleseryeng Asyano dahil tuwing ito ay napapanood nila, unti-unti nararanasan nila ang pamumuhay sa ibang bansa. Dito, sa mga teleseryeng Asyano, nila nababase ang kanilang kaalaman sa mga ibang bansa, kung paano ang kanilang pamumuhay at kanilang kultura. (Abiera, 2008)
Ang paglaganap ng mga adaptasyong teleserye at pelikula sa Asya partikular dito sa Pilipinas ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa atin. Unahin na natin sa positibong epekto, lumalawak ang ating kaalaman sa kultura at iba pang tradisyon ng iba’t ibang bansa. Dito rin natin nalalaman ang pagkakapare-pareho at pagkakaiba ng tradisyon, kultura, pamihiin natin at ng iba pang bansa. Natututo din tayong linangin ang ating kaalaman sa paggawa ng isang pelikula o teleserye.
Habang sa negatibo naman ay tinatangkilik na natin ang mga pelikula at teleserye na nanggaling sa ibang bansa kaya naman hindi na natin nasusuportahan ang sariling atin at dito rin bumabagsak ang mga pelikulang ginagawa natin. Hindi na rin natin alam ang sarili nating mga kultura’t tradisyon sapagkat nakapokus lamang tayo sa panonood ng mga adaptasyong teleserye at pelikula.
Kinagigiliwan at tinatangkilik ng maraming Pinoy ang teleseryeng Asyano dahil bago ang mga ito sa kanilang paningin. Ang istorya ng ibang teleseryeng Asyano ay kakaiba ang dating at hindi pare-parehas ang uri ng problema o takbo ng mga pangyayari sa kwento. Isa pang dahilan ay ang mga gwapo na mga aktor kaya tayo nahihikayat manood ng kanilang teleserye at kapag minsan naman ay wala masyadong dating ang aktor, nawawalan tayo ng ganang panoorin ito. Ibang dahilan din ay nagkakaroon sila ng interes kung ano ang kultura sa ibang bansa. Dahil sa kahirapan ngayon, ang pinakamadaling paraan para makita ang isang lugar na ninanais puntahan ay sa pamamagitan ng panunuod ng telebisyon o sine. Kung ang isang tao ay nanunuod ng telebisyon, kadalasang nararamdaman niya na siya ay nasa lugar at pangyayaring iyon. Hindi lamang dahil sa gusto ng isang tao na magpunta sa isang lugar kaya nanunuod siya ng mga palabas na galing sa ibang bansa. Maaaring ninanais rin niyang makita ang mga nangyayari lamang sa sa naturang lugar. Isang magandang halimbawa ay ang mga palabas na galing sa Korea o China. May ibang klase ng pamamahala sa mga lugar na ito. Mayroon silang sariling mga Emperor. Pinapanuod ito ng madla dahil gusto nilang magkaroon ng ideya kung paano ang buhay ng isang taga-Korea na pinamumunuan ng isang Emperor. Sinusubaybayan rin ng mga Pilipino ito dahil sa mayroon itong mga naiibang istilo. Nasusulyapan nila ang kapaligiran doon at nakikita nila kung paano tumatakbo ang buhay at pamumuhay ng mga mamamayan sa naturang lugar.
Marami nang mga dulang adaptasyon ang sumisikat sa bansang Pilipinas ngayon. Halos napapantayan na nito ang mga dulang orihinal ng ating bansa. Dahil dito, may mga pagkakataon na mas napagtutuunan ng pansin ng mga manunuod ang mga dulang galing sa ibang bansa. Dahil sa tuloy tuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dulang ito, unti-unti naring nawawala ang interes ng mga manunuod sa mga palabas na purong Pilipino ang may gawa. Mas nabibigyan nila ng pansin ang kultura ng ibang bansa, mas nagkakaroon sila ng interes sa ibang bansa, at ang mas malala, kung paminsan minsan ay mas napapangalagaan pa nila ito at unti unti nang nawawala sa kanilang mga isipan ang kultura ng kanilang sariling bansa. Ngunit, hindi rin naman puro masama ang idinudulot ng mga ito. Sa panunuod ng dulang adaptasyon, ang mga manonood ay mabibigyan ng ideya tungkol sa ibang bansa. May mga pagkakataon din naman na nabibigyan ang mga Pilipino ng inspirasiyon para gumawa ng mga palabas pa.
Sa huli, ang pinaka importante parin ay patuloy na pag-unlad ng sining hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Hindi man napapansin ang ilan sa mga produkto nito, ang mas mahalaga ay nabigyan parin ng pagkakataon and isang indibidwal upang linangin ang kaniyang kakayahan ay ilabas ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng mga palabas at dula. (Balisong, 2012)
Ang mga Pilipino, kung pakaiisipin, ay hindi lamang gusto ang mga pelikula, napalapitna din ito sa kanilang mga puso. Ang panonood ng pelikula ay ginagawang libangan ng mga pamilya, mag-babarkada, at ng mga magsing-irog. Ang panonood ng pelikula ay nagsisilbing panahon ng kanilang pagkakabuklod-buklod. Makikita rin kung paano na nagging bahagi ngbuhay ng mga Pilipino ang pelikula sa pagkahilig nila sa pagbili o paghiram ng Betamax,VHS, VCD at sa panahon ngayon, ay ang DVD. Lokal man o foreign ang pelikula ay dinadagsa pa rin ito ng mga Pilipino. (Tan, 2008)
Hindi lamang ang Pilipinas ang napukaw ang atensyon sa mga Asyanong soap opera. Pinaniniwalaang sikat din sa ibang mga bansa tulad ng Hong Kong, Tsina, Singapore, Indonesia at maging sa Hawaii at iba’t bang bansa sa Asya. Ang mga Asyanong soap opera lalo’t higit ang mga Koreyanong drama (Cabato, 2004; Wang, 2006; Forrester, 2005).
Ang mga istorya ay simple ngunit iba-iba. Sa kabila nito’y may mga pagkakatulad din sa mga kwento ang mga drama. Karaniwang umiikot ang kwento sa isang babae na mapagtatagumpayan ang maraming pagsubok sa na darating sa buha nito. Sa madaling salita, universal ang tema. Kasama rin madalas sa mga drama kasaysayan ng Korea kung kaya naman ang ga lokasyon at costume ay kinagigiliwan din ng mga manonood (Forrester, 2005; Wang, 2006).
Sapagkat ang mga palabas na galing sa Korea ay sa bansang iyon ginawa, malinaw na ipinapakita ang pagigi nitong isang mayaman na bansa. Ayon pa kay Cervantes (2006), sa mga Koreyanong palabas ay mapapansin ang pagpapahalaga sa pamilya. Sa usapin naman ng kapangyarihan, mas matimbang ang kalalakihan kaysa sa kababaihan. Mapapansing hindi sumasagot ng pabalang o nagtataas ng boses ang mga Koreyano sa nakakatanda sa kanila. Malinaw na mataas ang pagpapahalaga sa mga mas nakatatanda.
Gayunpaman, bagamat ang mga pelikulang Tsino ay tinangkilik na sa Pilipinas sa mahabang panahon, ang popularidad ng mga Tsino at Koreyanong soap opera ay tumaas lamang ng isinalin sa wikang Filipino ang mga ito. Sa pamamagitan ng pagsasalin ng wika, mas maraming Pilipino mula bata hanggang matanda ang nakaunawa sa mga Tsino at Koreyanong palabas (Cabato, 2004).

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa isang pag-aaral ng mga mag-aaral ng kolehiyo ng komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas,

“Ang pelikula ay isa sa mga kinikilalang sining kasama ng pagpipinta, eskultura, musika, drama at arkitektura na nagbibigay ng yaman sa ating pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang pelikula ang may pinakamalawak na impluwensiya sa publiko dahil sa kakayahan nitong magpakita ng mga damdamin at sitwasyon na sadyang mauunawaan ng mga manonood. Tinitingala ito ng publiko na parang salamin ng buhay dahil dito nila nasasaksihan ang paglalarawan ng kanilang mga pangarap, hangarin at paniniwala.
Ang bawat sining ay may layuning itaas ang kaalaman ng publiko tungkol sa kahalagahan ng konsepto ng kalidad. Malaking hamon ito para sa sining ng pelikula. Upang matamo ang layunin ng kalidad sa isang produksyon, mahalagang magkaroon ng kolaborasyon ang mga taong magsisitrabaho sa isang proyekto. Magastos gumawa ng isang pelikula. Mahalagang mabawi ng isang prodyuser ang mga milyong itataya niya sa isang proyekto. At dahil sa laki ng salapi na maaaring matalo sa isang produksyon, maaaring ang mga taga-industriya ay natatakot na ring sumubok ng mga makabagong ideya.
Marami ang naghahangad makagawa ng isang mahusay na pelikula. Ngunit bihira ang mga prodyuser na handang simulan ang prosesong ito sa paggawa ng isang matinong iskrip. Sa sistema ng paggawa ng pelikula sa kasalukuyan, ang paghahanda ng isang mahusay na iskrip ay madalas hindi pinagkakaabalahan ng mga prodyuser. Inuuna pa nila ng pagpili ng magandang playdate kaysa sa pagpili ng isang mahusay na kuwento. Dahil dito, madalas nagiging biktima ng pagmamadali ang pagsulat ng mga iskrip. Dagdag sa problema ng mga manunulat ay ang kaalamang tatatlo lamang ang uri ng kuwentong maaari nilang talakayin: iyong kuwentong may iyakan, tawanan o bakbakan.”

Ayon sa isang sarbey, 

“Ang pagpunta sa mga sinehan para manood ng mga pelikulaay nakaugalian na sa mga mahilig manood ng films.  Tunay na ang masang Pilipino ay tanging sinehan ang isa sa mga libangan o pampalipas oras na maituturing nakinagawian na natin.
Nakita sa isang sarbey na 63.4% sa 7% na mga tao na nanonoodng mga pelikula ay parte ng educated classes. Mahigit 50% ng mga lokal na moviegoers ayang mga nagkapagtapos ng hayskul at mga nagaaral kolehiyo, samantalang 14% namanang nakapagtapos na ng kolehiyo at mga post-graduate students.”
 
Ayon sa site na Wikipedia

“Ang pelikula, kilala bilang pinilakang tabing, ay isang larangan na inaangkop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahin nang tagapamagitan sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula. Isa itong anyo ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at pati na rin negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun. Isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon. Sa tulong ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga kuwentong unang narinig at nabasa ay maaari nang masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng sining—ang pelikula. Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki ang naitutulong ng teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay ang mga natatanging akdang makabayan saan mang sulok nang mundo. Ang pagsasalin sa pelikula ng mga akdang nakalimbag ay isang pamamaraan upang makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya ang mga katutubong kuwento, epiko, alamat, talambuhay, at nobela na sumasalamin sa ating kultura at kasaysayan. Sa katunayan, maraming kuwentong Indian ang naisasapelikula at nabibigyan ng panibagong anyo upang makasabay sa popular na kultura na siyang itatalakay ng mga mananaliksik sa susunod na kabanata.”
at patungkol naman sa direktor ng pelikula,

“In film criticism, auteur theory holds that a director's film reflects the director's personal creative vision, as if they were the primary "auteur" (the French word for "author"). In spite of—and sometimes even because of—the production of the film as part of an industrial process, the auteur's creative voice is distinct enough to shine through studio interference and the collective process.”

Ayon naman sa site ng Britannica,

“The Auteur Theory points that the director, who oversees all audio and visual elements of the motion picture, is more to be considered the “author” of the movie than is the writer of the screenplay.”

Ang mga sumusunod ay mga kaugnay na pag-aaral, rebyu, pananaliksik at teorya tungkol sa pelikulang “Every Child is Special” at ang pagganap ni Aamir Khan bilang isang aktor at direktor sa pelikulang natukoy kabilang na rin dito ang pelikulang “Slumdog Millionaire” sa direksyon ni Dev Patel:

Ayon kay Marius Carlos Jr.,

“Mahahambing sa Cidade de Deus ang ilang elemento sa Slumdog Millionaire. Hindi nagtipid ang pelikula sa pagpapakita ng kondisyon ng pamumuhay ng mga tao.
May kailangan tayong malinawan tungkol sa mga pelikula na ang sabjek ay kahirapan. Walang ibang paraan para maintindihan ang tunay na kahirapan. Kailangan mo muna itong maranasan. Ang kondisyon ng kasalatan, kawalan ng pag-asa, tag-hirap, lahat ng ito ay maiintindihan lamang sa immersion. Bahala na ang tao kung paano magagawa ang immersion na ito; ngunit para sa mga manunulat, kritik, poeta at iba pang taong nasa larangan ng paglikha ay pagkain ito para sa isip at kaluluwa. Kailangan bumaba mula sa tore ng kasaganahan, kung nagnanais na maintindihan ang isang malawak na problema ng ating mga sariling kababayan.
Ang konsepto ng subalternity ay orihinal na ginamit ni Karl Marx. Ang isang commentator ni Karl Marx ay muli, si Gayatri Chakravorty Spivak. Ang popular na linya mula sa kanyang essay ay, “The subaltern cannot speak.”Ang subaltern ay ang mga uri sa lipunan na walang kapital, walang kapangyarihang politikal, at walang makain. Sa lalim ng problema na ito ay hindi maaaring tanggapin na lamang natin ang kung ano man ang sabihin ng ilang tao tungkol sa kahirapan- kailangan tumungo tayo mismo sa lugar ng problema at mag-isip tayo para sa ating mga sarili. Hindi madali, ngunit hindi imposible na makita kung saan nagmumula ang kawalan ng trabaho ng mga tao, atbp.”

Sa sinabi ni RMPINILI patungkol sa “Every Child is Special”,

“In other words, such fundamental visual elements as camera placement, blocking, lighting, and scene length, rather than plot line, convey the message of the film.  Supporters of the Auteur Theory further contend that the most cinematically successful films will bear the unmistakable personal stamp of the director.  While this is truly applicable to what Aamir Khan did in the filming of this movie, he did not limit himself to the visual elements alone.  He went beyond them to include the meaning to be conveyed to the target audience.”

Ayon naman kay Andrew Sarris,

 “A director must accomplish technical competence in his technique, personal style in terms of how the movie looks and feels, and its interior meaning.”

 Dinagdagan naman ito ni Francois Truffaut at ayon sa kanya,

“A director promotes a consistent theme that makes his influence unmistakable in the work.”

Naimpluwensyahan na ng Auteur Theory ang pamumuna sa pelikula mula pa noong 1954. Noon pa man din ay nagkaroon na ang mga naunang film crictics na lantaran kung pumuna sa kahulugan ng Auteur Theory upang bigyan-diin ang pagiging isang may-akda.

 Sa aklat na “Film Theory and Philosophy” na in-edit nina Richard Allen at Murray Smith (pahina 164-167), 

“The importance of various collaborators in film-making is emphasized.  These collaborators are called artists and they all leave a signature unto the film through actorly performance, directorial trademarks, characteristic concerns of the scriptwriters, and others.”
Ilang mga ideya mula sa ibang mga kritiko ang magpapalakas ng pahayag na ito:
1. Amole Gupte and Deepa Bhatia developed the story and invited Khan to work with them both as a producer and actor.  Gupte gave way to Khan to assume his role as the director when Khan noticed a problem in filming the beautifully written script.
2.    There was no other child that Khan wanted to play the role of Ishaan, only Darsheel Safary. He saw the vast potential of the child.  In this aspect, Khan was right in asserting his decision to retain the child as the major actor.
3.    He personally attended to the needs of his child actors.  He wanted them to look and act naturally.
4.    He hired lifeguards when he came to learn that the pond where the children were to play was 15 feet deep.
5.    Khan scrapped the Claymation project when he saw it was not turning the way he wanted it to be.
6.    When the designs of Ishaan’s notebooks did not meet his expectations, he scribbled the notes himself using his left hand so as to show dyslexic writing.
7.     He personally attended to the re-arrangement of the music and to recording them.  He worked on making them fit every given scene.  Even if told that they were very lengthy, he justified his insistence on retaining the length based on their value to the film.
8.    Khan applied illusory camera tricks, but eventually had to remove some of the scenes which contributed to the slowing of the pace as observed during the screen tests conducted.


Ayon sa isang komento mula sa isang site,

“The adapted ideas from other movie critiques strengthen the fact that in this film, Khan’s presence is greatly felt in every angle either as a movie director or an actor.  Nonetheless, the film is greatly a product of collaboration.”

Ayon sa isang pagrerebyu ng pelikulang ito ng DALC-Film na nag-aaral sa Cebu Normal University tungkol sa pelikula ni Aamir Khan,

“The film is not choppy – only there are dull scenes and even unnecessary ones that if cut can contribute to the tautness of the plot.  For example, Khan’s encounter with a little boy vendor and the very long trip that he takes from the boarding school to the house of Ishaan show some scenes that could be remedied.  Even the video clips inserted side by side with the ending rolling credits are no longer necessary.  So much is shown in the film that can make one imagine more about the scenes and sights in India.  The clips only make the heart heavier.  The ending with Ishaan tossed up high on air taken in still shot is enough to drive home the message of hope.
The schools are well-chosen.  St. Xavier School is a metropolitan school with standards expected to be followed by all its students.  These standards include academic excellence, neatness, discipline, and the like. The other school The New Era High School is a boarding school really typical of how we conceive a boarding school to be with a long line-up of beds, common bathrooms, and a mess hall.  The pond area is specially chosen because it is where Ishaan usually communes with nature.  The vastness of the horizon accentuates that desire to be understood by the big world.  In addition, its stillness reveals the longing of a quiet heart.   The amphitheatre is spacious and in the painting scene it shows the landscape appropriate for such an activity.
The background music is appropriate.  It allows one to enter into the world of Ishaan with a mysterious feeling.  It stirs up one’s emotion to a certain level which is beyond comprehension.  Songs included in the major scenes were well-written as well as beautifully sang and recorded.  Noteworthy is the background song for Ishaan’s mom that speaks of the longing of a child to be with his mother, who is his shield and protector.  With this background music, Ishaan is shown with one big tear rolling down from his left cheek.  This is one giant scene that has captured my heart.  The tear so small speaks so much of how a child painfully controlled his bursting emotion.  With the lines of the song: “I feel pain no more, I’m numb, All feeling has left me empty, You know everything Mama,” Ishaan’s expression aptly relates to the lines of the song.  The same song is played when the family of Ishaan leaves him and he is seen just standing still near the entrance gate to the boarding school.  In this scene Ishaan is showing just a blank stare on his face, indicative of his numbed feeling.  These are very painful scenes intensified by the suitable background music. Khan is successful in evoking all these emotions through the music which he carefully reviewed.”

Sa kabilang panig maraming kaugnay na usapin sa pagsasalin ng wika. Ayon kina Koolstra, Peeters, at Spinhof (2002) ang pagsasalin (dubbing) ng wika ay nakakaapekto sa mensahe. Una, imposibleng maisalin ang orihinal na teksto ng buong-buo. Sa pagsasalin ng wika, kinakailangan na itama ito sa pagbuka ng bibig ng mga gumaganap sa palabas; ang orihinal na musika ay tinatanggal din at ang mga manunuod ay kailangang makinig upang maunawaan ang pinapanood.
Maraming bagay ang isinasaalang-alang sa pagsasalin ng wika. At base sa pag-aaral nina Koolstra, Peeters, at Spinhof (2002), matapos nilang hatiin sa tatlong kategorya ang mga importanteng puntos sa pagsasalin kabilang dito ang information processing, aesthetics, at learning effects, lumabas na madaling maunawaan ang mga salin na palabas subalit hindi naman ito nangangailangan ng masyadong pag-iisip. Nagkakaroon rin ng pamilyar na pakiramdam ang mga manunuod dahil sariling wika ang gamit ngunit mayroong pag-aalinlangan sa pagkamakatotohanan ng pinapanood sapagkat alam ng manunuod na nagaganap ang drama sa labas ng kanyang kultura. Mas lumalala ang pagdududa ng manonood kapag hindi mahusay ang pagkakasabay ng buka ng bibig at pagsasalita.
Bilang mga mananaliksik, importanteng malaman ng bawat isa ang mga proseso sa paggawa ng pelikula lalo na ang mga pelikulang Bollywood ay kilala sa katangi-katanging produksyon sa larangan ng sining na ito. Kaya, ginugol naming ang aming mahalagang oras para maghanap ng mga impormasyon ukol sa paggawa ng pelikula. Ang impormasyon sa ibaba ay galing sa isang pananaliksik nina Nathan Alberto, Liezel Camarillo, Marife Gumba, Raymond Paul Pineda at Julian Kevin Rivera.
Sa pananaliksik na ito ay pinakahulugan ang salitang Filmmaking o paggawa ng pelikula. Ibinigay rin ang iba’t ibang uri ng pelikula at kung anong uri ng daloy ng kwento ang bawat nangyayari sa mga uri. Ang proseso ng pelikula na nahahati sa ilang yugto: Development, kung saan ang script ay isinusulat at ginagawan ng draft para sa blueprint ng pelikula, Pre-production, kung saan ginagawa na ang preparasyon ng shooting, pinipili na ang mga gaganap at kung sino ang mga magtratrabaho sa ibat’ibang mga position. Pinipili na rin ang mga lokasyon kung saan gaganapin ang mga eksena. Kasunod ay ang Production, kung saan ang mga elemento para sa tapos na pelikula ay inererekord. Sumunod ay ang Post-productio, kung saan ginaganap ang pag-edit ng pelikula. Sales and distribution ang yugto ng pagbebenta sa mga sinehan at sa mga manonood.
Nakasaad din dito ang mga posisyon ng mga tauhan sa likod ng kamera na siyang pangunahing elemento ng paggawa: Ang director ay ang responsable para sa mga pag-aarte sa pelikula at nang pagaasikaso sa mga malikhaing element. Ang assistant director (AD) ay ang nagaasikaso sa mga shooting schedule at iba pang mga importanteng gawain. Ang first AD at second AD ay magkaibang trabaho. Ang casting director ang naghahanap ng mga aktor para sa mga parte sa mga skrip. Auditions ay ginaganap para sa paghahanap ng mga aktor. Ang location manager ay ang naghahanap ng mga lokasyon na gagamiting sa pelikula. Ang mga shooting ay isinasagawa sa studio na ginagamitin ng mga effects pero malimit na ginagawa ang mga eksena sa mismong lokasyon na ibinigay. Ang production manager ang nagaasikaso sa mga production budget at production schedule. Siya rin ang nakikipagugnayan sa mga studio executives o sa mga pinanser ng film.Ang director of photography (DP or DOP) o cinematographer ang gumagawa ng mga photography ng pelikula. Siya ay nakikipagtulungan sa director, director of audiography (DOA) at AD. Ang production designer ay ang gumagawa ng kulay ng mga props at setting ng produksyon. Siya ay nakikipagtulungan din sa mga art director para magawa itong mga elementong gagamitin. Ang art director ay ang nagaasikaso sa art department na gumagaw as amga production sets Ang costume designer ang gumagawa ng mga damit ng mga gaganap sa pelikula. Ang makeup at hair designer ay nagtratrabaho kasama ng costume designer para makagawa ng detelyadong pisikal na kaanyuan ng karakter. Ang storyboard artist ang gumagawa ng visual images para makatulong sa director at production designer upang maipagsama ang mga ideya ng production team Ang production sound mixer ay ang lider the sound department. Siya ang nagrerekord at naghahalo ng mga audio sa set. Siya din ay nagtratrabaho kasama ng director, DOP, at unang AD Ang sound designer ay ang gumagawa ng mga bagong tunog na nagbibigay ng kulay sa pelikula sa tulong ng foley artists. Ang composer ay ang gumagawa ng mga bagong musika para sa pelikula.And choreographer ay ang gumagawa ng mga galaw sa pagarte ang mga sayaw. Ginagamit ito sa mga musikal na pelikula. Ang iba naman ay gumagamit ng mga fight choreographer. Kasama sa datos ang mga gumanap sa particular na pelikula, ang uri ng pelikula, ang director at ang particular na taon na naipalabas.
Dahil sa mga datos na ito, nabuo ng mga mananliksik ang ilang kaisipang siyang maaaring makasagot sa mga kuro-kuro ukol sa kahalagahan ng pelikula.

 Film Making
         Film Making ay ang proseso ng paglikha ng FILM, nagsisimula ito sa isang ideya na isinasagawa sa scriptwriting, shooting, editing at distribusyon sa mga manonood. Kinakailangan ng maraming tao at mahabang panahon para makabuo ng isang pelikula. Madami ang gumagawa ng mga pelikula na gumagamit ng ibat’ibang mga teknolohiya at teknik.
Mga yugto sa sa paggawa ng pelikula:
Ang pakasunod-sunod ng paglikha ng pelikula ay nahahati sa limang yugto:
1. Development. Ang script ay isinusulat at ginagawan ng draft para sa blueprint ng pelikula.
2. Pre-production. Ginagawa na ang preparasyon ng shooting, pinipili na ang mga gaganap at kung sino ang mga magtratrabaho sa ibat’ibang mga position. Pinipili na rin ang mga lokasyon kung saan gaganapin ang mga eksena.
3. Production. Ang mga elemento para sa tapos na pelikula ay inererekord.
4. Post-production. Ang film ay inedit na.
5. Sales and Distribution. Binibenta na ang tapos na pelikula sa mga sinehan at sa mga manonood.

Development
Ito ang yugto kung saan ang ideya ay nailalabas sa isang script. Ang producer ng pelikula ay maghahanap ng kwento na maaring manggaling sa mga libro, mga kwento, o mga bagong ideya. Sa oras na makahanap na ng tema, ihahanda na ang synopsis. Ito ay susundan na ng step outline na ginagawa sa isang talatang na ang mga kwento ay nagpopokus sa dramang istraktura. Susunod, ihahanda na ang treatment. Ito ay 25 hanggang 30 pahina na deskripsyon ng kwento, mga gaganap, at kulay ng kwento na may konting dayalog at stage direction. Malimit ay mayroon itong mga pagguhit upang makatulong sa pagpapakita ng mga mahahalagang punto.
Ang screenplay ay isusulat na at ito ay isasagawa ng paulit-ulit upang mapaganda and dramatasyon, istraktura, mga karakter, dayalog, at ang kabuuang istilo. Datapwat minsan, nilalampasan ng producer ang mga naunang hakbang at nagpapasa ng mga screenplays na isinasaayos sa prosesong tinatawag na script coverage. Ang film distributor ay dapat kontakin ng maaga para isaayos ang bentahan at ang maaring kitain ng pelikula. Ang mga distributor ay tinitignang pansin ang mga ibat’ ibang aspeto tulat ng film genre, mga manonood , ang tagumpay ng mga dating pelikula ng katulad ng nagawang pelikula, mga posibleng mga aktor at aktres, at mga magagaling na direktor ng pelikula.
Ang pitch ng pelikula ay inihahanda at ipepresenta sa mga maaring makatulong na pinanser. Pag maganda ang resulta ng pitch ng isang pelikula ito ay binibigyan ng “green light” at binibigyan din ng pinansyal na pagtulong. Sila ay ang mga prominenteng film studio, film council o kaya naman mga independent na mga investor. Pagkatapos, pipirma na ng mga kontrata para sa pagtutulungan ng producer at ng mga inverstor.

Pre-Production
Sa pre-production, ang pelikula ay gagawan ng disenyo at pagplaplanuhan. Magkakaroon ng production company at isang production office. And production ay gagawan ng storyboard at ng bisyuwal sa tulong ng mga illustrators at concept artists.
Ang prodyuser ay maghahanap ng mga taong tutulong sa paggawa ng pelikula. Ang ayos ng pelikula at ang budyet ang magbibigay ideya kung gaano kalaki at kung anung klaseng mga tauhan ang kukunin nila sa proseso ng paggwa ng pelikula. Ang mga malalaking distributor ay kukuha ng maraming tauhan ngunit ang mga independent film ay kukuha lamang ng mga 8 hanggang 9 na tauhan.
Mga posisyon ng mga tauhan:
· Ang director ay ang responsable para sa mga pag-aarte sa pelikula at nang pagaasikaso sa mga malikhaing element.
· Ang assistant director (AD) ay ang nagaasikaso sa mga shooting schedule at iba pang mga importanteng gawain. Ang unang AD at ikalawang AD ay may magkaibang trabaho.
· Ang casting director ang naghahanap ng mga aktor para sa mga parte sa mga skrip. Ginaganap ang auditions para sa paghahanap ng mga aktor.
· Ang location manager ay ang naghahanap ng mga lokasyon na gagamiting sa pelikula. Ang mga shooting ay isinasagawa sa studio na ginagamitin ng mga effects pero malimit na ginagawa ang mga eksena sa mismong lokasyon na ibinigay.
· Ang production manager ang nagaasikaso sa mga production budget at production schedule. Siya rin ang nakikipagugnayan sa mga studio executives o sa mga pinanser ng film.
· Ang director of photography (DP or DOP) o cinematographer ang gumagawa ng mga photography ng pelikula. Siya ay nakikipagtulungan sa director, director of audiography (DOA) at AD.
· Ang production designer ay ang gumagawa ng kulay ng mga props at setting ng produksyon. Siya ay nakikipagtulungan din sa mga art director para magawa itong mga elementong gagamitin.
· Ang art director ang nagaasikaso sa art department na gumagawa sa mga production sets.
· Ang costume designer ang gumagawa ng mga damit ng mga gaganap sa pelikula.
· Ang make-up at hair designer ay nagtratrabaho kasama ng costume designer para makagawa ng detelyadong pisikal na kaanyuan ng karakter.
· Ang storyboard artist ang gumagawa ng visual images para makatulong sa director at production designer upang maipagsama ang mga ideya ng production team.
· Ang production sound mixer ang lider the sound department. Siya ang nagrerekord at naghahalo ng mga audio sa set. Siya din ay nagtratrabaho kasama ng director, DOP, at unang AD.
· Ang sound designer ang gumagawa ng mga bagong tunog na nagbibigay ng kulay sa pelikula sa tulong ng foley artists.
· Ang composer ang gumagawa ng mga bagong musika para sa pelikula
· Ang choreographer ang gumagawa ng mga galaw sa pagarte at ng mga sayaw. Ginagamit ito sa mga musikal na pelikula. Ang iba naman ay gumagamit ng mga fight choreographer.
Ang mga ilusyon na ginagamit sa mga pelikula upang mapakita ang isang eksena sa kwento ay tinatawag na special effects.
Ang special effects ay nahahati sa dalawa, optical effects at mechanical effects. Sa pagpasok ng digital film-making na mga kagamitan, nakita ang malaking pagkakaiba ng special effects at visual effects. Ang visual effects ay para sa digital post-production at ang special effects naman ay para sa on-set mechanical effects at in-camera optical effects.
Ang optical effects, tinatawag ding photographic effects, ay isang uri ng teknik kung saan ang mga film frames ay nagagawa photographically sa paraang kung saan gumagamit ng multiple exposure, mattes o kaya naman ng Schüfftan procees, o kaya naman ng in post-production process na gumagamit ng optical printer. Ang optical effect ay maaring magamit para mailagay ang mga actor at ang set sa iba’t ibang background.
Ang mechanical effects, tinatawag ding practical at physical effects, ay nagagawa tuwing kumukuha ng eksena. Kasama na dito ang paggamit ng mechanized props, scenery, scale model, pyrotechnics, and atmospheric effects: paggawa ng pisikal na hangin, ulan, hamog, nyebe, ulap at iba pa. Ang pagpapakita ng pag-andar ng sasakyan ng mag-isa, o ang pagsabog ng mga istraktura ay mga halimbawa ng mechanical effects. Ang mechanical effects ay kadalasang inihahalintulad sa set design at make-up. Halimbawa, ang isang set ay maaaring gawan ng break-away na pintuan o mga dingding, ang prosthetic make-up namn ay maaaring gamitin upang magmukhang halimaw ang mga aktor at aktress na gaganap.

Production
Ginagawa na ang pelikula sa lebel na ito. Ito ay nangangailangan ng mas marami pang tauhan. Ang iba sa kanila ay ang property master, script supervisor, assistant directors, stills photographers, picture editor, at sound editors. Ito ang ibang kinukuhang tauhan sa paggawa ng pelikula ngunit ang production office ay maaari pang kumuha ng iba na makakatulong sa ibang sitwasyon sa pelikula.
Ang araw ng pagshoshoot ay nagsisimula kapag dumating na ang mga tauhan sa set sa ibat’ibang call time. Ang mga aktor ay may iba’t ibang call time dahil ang paggawa ng set, pagbibihis at lighting ay gumagamit ng maraming oras o kaya naman araw kaya naman ginagawa nila ito ng mas maaga. Ang grip, electric at production design ay laging mas nauuna kaysa sa mga camera at sound departments upang sigurado na matapos ang isang eksena. Habang ang isang eksena ay ifinifilm, sila ay naghahanda na para sa susunod na eksena.
Habang ang mga tauhan sa paggawa ng pelikula ay naghahanda ng kanilang mag kagamitan, ang mga aktor ay nasa mga dressing rooms kung saan sila ay nagaayos ng make-up, buhok at costumes. Ang mga aktor ay inaaral ang script at blocking kasama ng director. Ang mga camera at sound departments ay naghahanda kasama ng mga aktor para gumawa ng mga huling pagbabago sa eksena. Pagkatapos nito ay gagawin na ang eksena. Maaaring gawin ng maraming takes ang eksena hanggang gustuhin ng direktor. Dito laging naririnig ang mga sigaw na “lights, camera, action!”, “cut!”, at iba pa.
Pagkatapos ng araw, aaprubahan ng direktor ang shooting para sa susunod na schedule at ipapasa niya ang pang-araw-araw na progresyon sa production office, kasama na dito ang mga report sheets. Ang mga call sheets ay ipapamahagi sa mga cast at mga tauhan upang malaman kung kailan at saan ang susunod na shooting. Matapos nito, ang director, producer, mga department heads, at minsan ay ilang mga aktor ay nagsasamasama upang panuoring ang mga natapos nilang eksena na tinatawag na dailies. Ito ay rinereview nila. Ang oras ng pagtratrabaho nila ay umaabot ng 14 hanggang 18 na oras sa mga malalayong lokasyon. Ang paglikha ng pelikula ay kinakailanganan ng teamwork. Matapos gawin ang isang pelikula, ang production office ay gumagawa ng isang wrap party para pasalamatan lahat ng mga tauhan at aktor para sa kanilang determinasyon.

Post Production
Ito ang oras upang ayusin ang pelikula ng isang film editor. Ang makabagong paggamit ng video sa proseso ng paggawa ng pelikula ay nagbunga sa dalawang magkaibang uri ng daloy ng paggawa: ang isa ay paggamit lamang ng film, at ang isa ay ang paggamit ng magkahalong film at video.
Sa paggawa ng pelikula, ang orihinal na camera film, mas kilala sa tawag na negative, ay pinaunlad at kinopya sa one-light workprint, na siya namang positibo para sa editing gamit ang mechanical editing machine. Ang edge code ay nirerekord sa film upang hanapin ang posisyon ng mga picture frame. Dahil sa pag-unlad ng non-linear editing system tulad ng Avid, Quantel o Final Cut Pro, ang daloy ng paggawa ng pelikula ay mas gumanda. Sa video na daloy ng paggawa, ang orihinal na camera negative ay dinedevelop at tinetelecine sa video para sa editing gamit ang isang editing software sa kompyuter. Ang timecode ay rinerecord sa video tape upang mahanap ang positon ng picture frames. Ang mga tunog na ginamit sa produksyon ay sinisync up sa video picture frames sa prosesong ito.
Ang unang trabaho ng film editor ay bumuo ng rough cut mula sa mga eksena batay sa indibidwal na kuha. Ang layunin ng rough cut ay piliin at pagsunud-sunurin ang magagandang kuha. Ang susunod ay gumawa ng fine cut sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng mga kinuhanang eksena upang padaluyin sa isang kwento. Trimming, o ang proseso ng pagpapaaikli ng mga eksena sa ilang minuto, segundo, o kahit sa mga frames, ay ginagawa sa parteng ito. Matapos marebyu at maaprubahan ng director at producer, ang mga kuha ay para bagang kinakandado upang wala nang mga pag-iibang maisagawa. Susunod, ang editor ay gumagawa ng negative cut list gamit ang edge code o isang edit decision list gamit ang timecode manual o isang automatikong paraan. Ang edit lists ay kumikilala sa mga pinagkunan o pinagmulan at ang picture frame ng bawat kuha sa fine cut.
Sa oras na ang mga picture ay nakandado na, ang film ay dumaan sa kamay ng editor at tumutungo sa sound department upang buuin ang mga gagamiting tugtog. Ang mga voice recording ay inaayos at ang huling sound mix ay binubuo. Ang sound mix ay ang kombinasyon ng mga sound effects, background sounds, ADR, mga dayalogo o linya sa bawat eksena, walla at tugtog.
Ang mga tunog at picture ay pinagsasama at bumubuo ng mababang quality answer print ng pelikula. Ngayon ay may dalawa nang daloy ng paggawa upang bumuo ng mataas na kalidad ng release print depende sa ginamit na pegrerekord:
1. Sa daloy ng paggawa ng picture, ang cut list na naglalarawan sa film-based answer print ay ginagamit para hatiin ang OCR o original color negative at bumuo ng isang may kulay na kopya na kung tawagin ay master positive o interpositive print. Sa lahat ng mga susunod na hakbang, ito ang nagiging master copy. Ang susunod na hakbang ay gumawa ng kopya na may isang ilaw lamang, na kung tawagin ay color duplicate negative o internegative. Mula rito manggagaling ang maraming kopyang pinal na ipapalabas sa mga sinehan. Ang pagkopya mula sa internegative ay mas simple kaysa sa pagkopya ng direkta mula sa interpostive dahil ito ay one-light na proseso; nababawasan rin nito ang wear-and-tear sa interpositive print.
2. Sa daloy ng paggawa ng video, ang edit decision list na naglalarawan sa video-based answer print ay ginagamit para iedit ang original color tape at bumubuo ng mataas na kalidad na color master tape. Para sa mga susunod na hakbang ito ay epektibong nagiging master copy. Ang susunod na hakbang gumagamit ng film recorder para basahin ang color master tape at kopyahin ang bawat video frame direkta sa pelikula para buuin an gang pinal na pelikulang ipapaplabas sa screen.
Sa huli, ang pelikula ay pinanonood ng mga piling manonood at ano mang mga puna ay maaaring mag-akay sa ilang pang pag-eedit ng naturang pelikula.

Distribusyon at Pagpapalabas
Ito ang huling yugto, kung saan ang pelikula ay pinalalabas sa mga sinehan o kung minsan ay sa mga DVD, VCD, VHS, Blu-Ray, o direktang dinadownload mula sa gumawa. Ang pelikula ay ginagawan ng ilang kopya na kinakailangan para sa distribusyon sa mga sinehan. Para ipakilala ang pelikula sa mga manonood, ilang press kits, posters at ibang uri ng pag-aadvertise ang inilalalbas upang tangkilikin ito ng ga manonood.
Ang pelikula ay kadalasang ipinakikilala sa pamamagitan ng mga pagtitipon, press release, mga panayam at press review at sa ilang mga film festivals. Sa kasalukuyang panahon, mdalas na ring gumamit ng mga website para isunod sa pelikula. Ang pelikula ay ipinapalabas lamang sa mga piling sinehan at and DVD ay karaniwang inilalalbas ilang buwan pagkatapos. Ang distribution rights para sa pelikula at DVD ay karaniwan ding pinagbibili sa pandaigdigang distribusyon. Ang kita ay hinahati sa distributor at production company.



2 komento:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin