Huwebes, Oktubre 16, 2014

APPENDIKS



APPENDIKS

Ang mga sumusunod ay ang buod ng pelikulang “Taare Zameen Par” (Every Child is Special) at ng pelikulang “Slumdog Millionaire”.

Pagtalakay sa Pelikulang “Taare Zameen Par” (Every Child is Special)


Ang pelikulang “Every Child is Special” ay tungkol sa isang batang may edad na walong taong gulang na nagngangalang Ishaan Awasthi na may sakit na dyslexia. Ang dyslexia ay isang sakit kung saan nahihirapang magsulat ng mga lengguahe, lalong lalo na ang magbasa ng mga latra. Kahit ganun pa naman ang kanyang karamdaman may mga talento syang hindi taglay ng mga ibang bata katulad ng malikhain pag pinta gamit ng kanyang imahinasyon. Dahil sa kanyang mga maling bagay na ginawa, hindi napagtu-unan ang kanyang special ng pangangailangan. Sa kadahilanang iyon nagpasya ang kanyang ama na ipasok sya sa isang paaralang panlalake kung saan kailangan niyang matutong maging independent kahit na mahirap sa kalooban ng kanyang ina at mapalayo sa isat-isa sa mura niyang edad. Wala silang magawa sa desisyong ginawa ng kanyang ama. Sa paaralang panlalake kung saan siya iniwan nagbago ang kanyang pag uugali, ayaw niyang makipag halubilo sa ibang mga studyante at tinalikuran nya na rin ang kanyang abilidad sa pag guhit. Pakiramdam nya walang may gusto at nagmamahal sa kanya kaya siya iniwan doon sa kanyang bagong paaralan. Nahihirapan siyang mag adjust sa kanyang bagong kapaligiran.
Sa kanilang Art Class nagkaroon sila ng bagong guro (Ram Shankar Nikumbh), ang unang ginawa ng guro para ipakilala ang kanyang sarili ay nagsagawa siya ng awit at sayaw para makuha ang atensyon, maingganyo at mapukaw ang interest ng mga studyante kung saan ay nagtagumpay siya ngunit habang kumakanta at sumasayaw siya si Ishaan Awashti ay tahimik na nakaupo lamang sa kanyang upuan. Pagkatapos ng mahabang pagpapakilala, binigyan sila ng bagong guro ng isang bond paper para e-drawing ang gusto nilang e-drawing. Habang naglilibot ang guro napukaw ang kanyang atensyon kay Ishaan na hindi man lamang ginalaw ang kanyang art materials na kung saan ang kanyang mga kaklase ay tapos na. Sa pagpukaw ng kanyang atemsyon tiningnan nya ang mga record ni Ishaan sa guidance office, pagkatapos niyang tingnan naging interesado siya sa buhay ni Ishaan at nagdesisyong bumisita sa mga magulang ni Ishaan.
   Binisita ni Mr. Ram ang principal ng nasabing paaralan para humingi ng permiso na maging tutor si Ishaan.  Tinulungan nya itong e’improve ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng kanyang pamamaraan hanggang sa nagkaroon ng improvement. Si Mr. Ram ay nag organize ng isang art fair para sa mga studyante at guro. Sa araw ng kompetisyon, maagang nagising at umalis si Ishaan at bumalik ng nagsisimula na ang kompetisyon. Masaya ang lahat ng kasali sa kompetisyon at dahil si Ishaan ang nanalo ang kanyang painting ang nagsilbing front cover ng kanilang school yearbook habang ang mukha ni Ishaan na painting ni Mr. Ram ang naging back cover. Proud na proud ang kanyang mga magulang lalong- lalo na nang sabihin ng kanyang mga guro kung gaano ka talino at talentado ang kanilang anak. Nang pasakay na sa sasakyan si Ishaan para umuwi kasama ang kanyang mga magulang upang umuwi, napalingon ito sa kinatatayuan ni Mr. Ram.  Nagtapos ang storya sa pagbuhat ni Mr. Ram kay Ishaan sa ere.


Ang painting na ginawa ni Ram Shankar Nikumbh
Source: wikipedia.com


Pagtalakay ng Pelikulang “Slumdog Millionaire”


Sa pagtalakay ng pelikulang Slumdog Millionaire gamit ang sikoanalitikong pananaw, mahihinuha ang motibasyon at kamalayan ng pangunahing tauhang si Jamal. Sa pamagat, mapapatanong ang manonood kung paanong ang isang slumdog ay naging milyonaryo.
Si Jamal na isang slumdog ay hinuli ng mga pulis dahil siya’y nanalo sa gameshow na “Who Will Win a Million?” o “Who Wants to be a Millionaire?” Hindi matanggap ang kaniyang pagkapanalo sapagka’t maging ang mga propesyonal ay umaabot lamang sa 16 000 rupees. Ang nakikita lamang nilang dahilan ay nandaya siya o kaya’y isa siyang henyo, nguni’t nakikita nilang imposible ang huli dahil laboy lamang siya sa daan. Istereotipiko nang isipin na walang alam ang mga palaboy dahil hindi sila edukado.
Dinala siya sa himpilan ng pulisya upang paaminin. Pinadaan siya sa iba’t ibang torture gaya ng panlulublob sa tubig at pangunguryente. Ang konseptong reward at punishment ang namamayani rito. Kung hindi siya aamin sa kaniyang kasalanan, patuloy siyang parurusahan, at kung siya’y aamin, gagantimpalaan siya ng paglaya mula sa torture nguni’t siya’y makukulong nang naaayon sa batas.

Isa sa mga torture na pinagdaanan ni Jamal sa himpilan ay ang panlulublob sa tubig. Source: telegraph.co.uk

Ang kaniyang motibasyon sa pagsali ay upang makatakas mula sa paghihirap at balikan siya ng kaniyang true love at kababatang si Latika. Si Latika ay nangasawa ng mayaman, nguni’t siya’y binubugbog at inaalipusta ng kaniyang asawa dahil hindi siya nakapag-aral. Siya ay mahina at dumedepende sa kaniyang asawa – mga istereotipikong katangian ng babae – kaya naisipan ni Jamal na iligtas siya.
Pinagtapat ni Jamal sa mga pulis na natutuhan niya ang mga sagot sa gameshow mula sa mga karanasan niya sa buhay. Halimbawa ay tinanong sa gameshow kung kaninong larawan ang makikita sa 100 dolyar. Noong binugbog siya at pinagbintangan sa pagnanakaw mula sa kotse ng mag-asawang Amerikano, naawa ang mag-asawang Amerikano dahil alam nilang wala siyang kasalanan kaya binigyan siya ng 100 dolyar. Isa pang katanungan ay kung ano ang hawak ni Rama sa kaniyang kanang kamay. Noong bata pa si Jamal at Salim, habang tinatakbuhan nila ang mga nanununog sa kanilang mga barung-barong, nadaanan nila ang isang batang nakabihis Rama. Kwinento niya ang bawat bahagi ng kaniyang buhay na ayon sa tanong sa kaniya sa gameshow kaya hindi niya rin naiwasang ipagtapat na nabuhay siya mula sa pagnanakaw kasama ang kaniyang kapatid na nagtatrabaho na bilang mamamatay-tao. Nagkunwari silang mga binabayarang tour guide sa Taj Mahal. At dahil bawal ipasok ang mga panyapak doon, iniiwan ng mga turista sa labas ang kanilang mga sapatos at tsinelas na kinukuha naman ng magkapatid upang ibenta. Nagawa lamang nila ito dahil kinailangan nilang mabuhay at ang mga bata ay wala pang konsepto ng superego.

Rama na may hawak na pana sa kanang kamay.
Source: deeperintomovies.net

Bagaman malapit ang loob ni Jamal sa kaniyang kapatid, malayo ang paraan niya sa pamumuhay. Sinasabi ng konsensiya niyang masamang pumatay kahit na malaki ang kikitain niya rito. Sa halip na maging katulad ni Salim, nagtrabaho siya bilang assistant call center agent – sa madaling sabi, siya ang nagbibigay ng kape sa mga call center agent. Kagustuhan lamang niyang mahanap si Latika, subali’t nang mahanap niya si Latika, tumanggi itong sumama dahil ayaw na ni Latika pang bumalik sa kahirapan. Dahil dito kaya ginusto ni Jamal yumaman. Dito makikita ang pagtatambal ng id, kagustuhang yumaman, at superego, ang kaniyang konsensiya, kaya nabuo ang kompromiso ng ego na sumali sa “Who Will Win A Million?” Sa ganitong paraan, makakukuha siya ng pagkakataong yumaman at makamit ito sa paraang matuwid.
Samantalang ang kaniyang kapatid na si Salim ay nagsilbing foil ng panguhaning tauhan. Bata pa lamang ay nawalan na sila ng magulang. Nabuo ang kaniyang superiority complex na naipakita sa pagmamaltrato niya kay Latika at pagtuturing sa sarili niya bilang boss dahil siya ang nakatatanda sa kanilang magkapatid. Noong bata sila, nawalan ng kliyente si Salim dahil nakikigamit si Jamal sa kubeta. Bilang paghihiganti, kinulong ni Salim si Jamal habang nagdudumi. Noong mga binata na ang magkapatid, pinatay ni Salim ang nag-aalaga sa pangkat nilang mga pulubi nang walang pag-aatubili at pagsisisi. Makikitang sociopathic si Salim, maaaring dahil sa napagtaksilan siya ng tinuring niyang pinuno sa kanilang pangkat. Akala nila ang pinuno ay isang santo dahil pinakakain sila at tinuturuan, ‘yun pala ay tinuturing silang pagkakakitaan. Binubulag, binibigyan ng sanggol, at iba pang bagay ang ginagawa sa mga pulubi para higit na lumaki ang limos. Papatayin din sana niya si Javed, ang pinuno ng kaaway na gang, nguni’t kinampihan siya ni Javed at binigyan siya ng trabaho bilang mamamatay-tao. Matapos nito, kinandado ni Salim ang sarili niya at si Latika sa isang kwarto dahil interesado siya sa katawan ni Latika. Lumaban si Jamal, subali’t nagpaubaya na si Latika dahil ayaw niyang mapasama ang samahan ng magkapatid. Nahiwalay si Jamal sa kanilang dalawa, at hindi niya mapatawad ang kapatid niya dahil hindi man lamang nag-abala si Salim na hanapin siya. Dito tumampok ang pagkanarsisistiko ni Salim.
Si Salim na naliligo sa salaping ninakaw bago siya mamatay.
Source: ferdyonfilms.com

Maging si Latika ay hindi ideyal tulad ni Jamal. Bata pa lamang ay nawalan na rin siya ng magulang. Naipakita ang kaniyang inferiority complex noong pinabayaan niyang pagsamantalahan siya ni Salim, at hinayaan niyang bugbugin siya ng kaniyang mayamang asawa. Kung hindi sa pagyaman ni Jamal, pipiliin niya pa rin ang materyal na bagay kaysa sa pag-ibig dahil ayaw niya nang balikan ang dati niyang trabaho bilang mananayaw o entertainer. Dahil sa kaniya at kay Salim, lalong naha-highlight ang mga mabubuting katangian ni Jamal.

Maituturing bayani si Jamal dahil dumaan siya sa kamatayan, noong inakala ng kaniyang kapatid at ni Latika na siya’y namatay na matapos nilang magkahiwa-hiwalay noong ginahasa si Latika, at resureksyon, noong nagpakita siya sa wakas sa kaniyang kapatid at kay Latika matapos ang matagal na paghahanap. Sa buong pelikula, si Latika ang hinahanap niya. Naiinis na nga si Salim sa kaniya dahil puro Latika ang binabanggit niya kahit milyun-milyon ang mga babae sa India. Mabuti ang loob ni Jamal kay Latika dahil isa siyang babae tulad ng kaniyang ina. Pinakita ang attachment ni Jamal sa kaniyang ina noong pinapanood niya ang kaniyang ina habang ito’y naglalaba at siya’y naglalaro. Ito ay nagdulot ng altruism kaya madali para kay Jamal na tumulong sa ibang tao. Habang umuulan nang malakas matapos ang panununog, tumanggi si Salim na pasilungin si Latika, subali’t buong-pusong tinanggap ni Jamal si Latika. Si Latika rin ang naging lakas ni Jamal upang magpatuloy sa buhay at siya ring naging kahinaan. Sa pagsunod niya sa kaniyang puso, siya ay napahamak (dahil kay Latika kaya siya sumali sa gameshow na naging dahilan kaya siya na-torture). Sa katapusan ng kwento, sinubukan ng gameshow master si Jamal. Habang nasa banyo, sinulat ng gameshow master ang sagot para sa huling tanong sa salamin. Nakita ito ni Jamal, pero dumikit siya sa kaniyang prinsipyo at pumili ng ibang sagot. At siya’y nanalo.
Lumaki man siya sa isang hindi makatarungan at delikadong lugar, sa ilang mitsa ng kamatayan dahil sa pagnanakaw nilang magkapatid, hindi niya hinayaang mabahiran siya ng kasamaan sa kaniyang pagtanda nang mabuo na ang kaniyang superego. Nagtataglay siya ng malinis na puso – isang ideyal na katangian – na pinahiwatig ng sa pagtanda niya ay tumalikod siya mula sa pagnanakaw at mas pinili pang mag-asst. call center agent. Kagaya ng ibang mga superhero sa telebisyon (Captain Barbell, Darna, at iba pa), nagmula siya sa kahirapan at may malinis na puso kaya nabiyayaan ng “kapangyarihan.” Bagaman ang “kapangyarihan” niya ay naiiba – mabuting kapalaran. Ang mga bayani ay dumaraan din sa pagsubok.

Pagkapanalo ni Jamal sa gameshow.
Source: sheknows.com

Pinakita sa buong pelikula ang patuloy na panggigilalas ng mabuti laban sa masama. Bumubuo ang pamagat na Slumdog Millionaire ng isang oxymoron.Mapapatanong ang manonood kung paanong ang slumdog ay naging milyonaryo. Pinili ng slumdog ang matuwid na pamamaraan sa dikta ng kaniyang superego, at ang kagustuhang makapiling muli ang kaniyang minamahal ayon sa kaniyang id. Pinapakita nitong hindi kailangang henyo, at hindi kailangang maging masamang damo upang makaasenso sa buhay. Ang tubig ay humihiwalay sa putik gaano man sila paghaluin. Tulad ni Jamal, hindi niya hinayaang maimpluwensyahan siya ng kasamaan kahit na laganap ito sa kinalakihan niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento