KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS
Makikita sa kabanatang ito ang
ginawang paglalahad or presentasyon, at pagpapakahulugan o interpretasyon ng
mga datos.
Inilahad at sinuri sa
kabanatang ito ang epekto ng pelikulang Bollywood sa ating pamumuhay. Ang paksa
ng pananaliksik na ito ay ang patuloy na pagtangkilik ng henerasyon ngayon sa
banyagang pelikula – Pelikulang Bollywood.
Sa bahaging ito, bibigyan ng
kasagutan ang mga inilahad na suliranin tungkol sa pagsusuring ito. Makikita
mula sa kabanata ding ito ang mga katanungang sinagot ng pag-aaral.
Talahanayan Bilang 1: Pagsuri sa pelikulang “Taare
Zamen Par” (Every Child is Special)
A. Tema: Diskriminasyon
DIYALOGO/SENARYO MULA SA PELIKULA
|
ARAL NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN NG MANANALIKSIK
|
Ishaan runs away from school and
loiters on the road for the whole day – for the fear of being punished for
not having done his homework.
|
Dapat nating isaalang-alang ang damdamin ng
ibang tao. Isipin muna natin ang posibleng mangyari kapag mayroon tayong
binitawang salita dahil hindi sa lahat ng panahon ay maiintindihan nila tayo.
Wala tayong karapatang saktan ang isa't isa. Mabuti man o masama ang nagawa
ng ating kapwa ay kinakailangan pa rin natin silang respetuhin.
|
Sa tagpuang ito, hindi pumasok si Ishaan sa
kanilang paaralan. Tatakot kasi siyang mapagalitan ng guro dahil hindi niya
nagawa ang kanilang takdang-araling kaya naisip niyang maglibang na lamang.
|
Diin ng pelikula na hindi dapat paghigpitan
at pilitin ng mga magulang at guro ng bata na gawin ang mga bagay na hindi
naman talaga kaya ng kanilang kapabilidad. Hindi dapat pilitin ang mga bata na
abutin ang ambisyon ng kanilang mga magulang para sa kanila kung mayroon silang
kapansanan. Mas lalo lang lalala ang kanilang sakit kung patuloy silang
pinagagawa ng mga bagay na hindi angkop para sa kanila.
Huwag mag-api ng kapwa lalo na kung wala
naman silang ginagawang masama sa iyo. Dapat rin natin silang e respeto lalo na
ang mga may kapansanan dahil lubos tayong maswerte kaysa kanila at dapat natin
silang intindihin sa kahit anong paraan. Dapat talaga nating iwaksi ang
diskriminasyon sa lipunan upang sa ganoon ay mamuhay na ang mga may kapansanan
ng normal dahil lahat ng tao sa mundo ay ginawa ng pantay-pantay ng Panginoon
at dapat isulong ang karapatan ng bawat isa na mamuhay ng payapa.
Hindi hadlang ang kapansanan upang maabot ang
ating minimithi sa buhay. Basta't tama lang ang ating ginagawa ay tiyak na
aasenso tayo. Bawat isa rin ay may naiibang katangian na naghihirang sa kanyang
espesyal sa anumang paraan.
Masasabi man natin na minsan ay hindi tayo
inaayunan ng buhay ay dapat pa rin nating intindihin dahil lahat ng bagay na
nangyayari ay may rason at sa bawat masaklap na pangyayari ay mayroon tayong
aral na makukuha na siyang magagamit natin sa ating pang araw-araw na
pamumuhay.
B. Mensahe: “Kahalagahan Ng Bawat Isa Bilang Isang
Tao”
DIYALOGO/SENARYO MULA SA PELIKULA
|
ARAL NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN NG MANANALIKSIK
|
NIKUMBH
“If parents are
fond of racing then have racehorses. Why have children?”
|
Dapat ginagampanan ng mga magulang ang
kanilang responsibilidad sa kanilang mga supling. Hindi nila dapat itong
pinababayaan lalong-lalo na't kailangan ng mga anak ang kanilang gabay upang
lumaki ng maayos.
|
Pinuntahan ng guro ni Ishaan na si Ram
Nikumbh ang kanyang mga magulang. Sa tagpuang ito, ipinaliwanag ng guro ang
sitwasyon ng kanilang anak dahil palagi nila itong pinapagalitan. Hindi kasi
nila alam ang sakit na kinagitnan ni Ishaan.
|
Karamihan sa mga tao
ngayon ay dinidiskrimina ng iba dahil sa kanilang hitsura at pati na rin sa mga
galaw nila. Hindi na namalayan ng iba na naging insensitibo na pala sila sa
kanilang mga ginagawa at mas pinahahalagahan pa nila ang kaligayahan nila sa
pambubuska. Minsan, hindi na natin nilagay sa ating talinghaga kung ano ang
maaaring mararamdaman ng tao kung nasasaktan na ba. Sa sitwasyong kinagitnan ni
Ishaan, sa murang edad pa lamang ay nakaranas na siyang pinagtatawanan ng
kanyang mga kaklase at madalas rin siyang napagalitan ng kanyang mga magulang
dahil hindi nila naiintindahan kung anong mayroon ang kanilang anak. Bilang mga
magulang, obligasyon nilang malaman ang kondisyon ng kanilang supling. Imbis na
tulungan nila ito upang matutong magbasa ay pinapagalitan nila at hindi ito
tama dahil kailangan rin nilang isaalang-alang ang musmos na edad ng bata.
Kailangan nilang pahabain ang pasensya nila para hindi umabot sa puntong
nasasaktan na nila ang kanilang mga anak.
Nais na ipaabot ng
pelikula sa mga manonood na ano man ang kaibahang nakikita natin sa kapwa ay
karapatdapat pa rin silang nirerespeto. Tao rin sila, nasasaktan at napupuno
rin kaya hindi dapat inaabuso. Wala tayong karapatang manglait dahil sila ay
gawa rin ng Panginoong Diyos.
Kailanma'y hindi
natin alam na mas mayroon pala silang maipapakitang galing na
makakapagpapahanga natin dahil sa naibabahaging talento o abilidad. Kadalasan
kasi sa mga may kapansanan ngayon ay may hindi pa nadidiskubreng alisto.
Tandaan natin na bawat indibidwal ay may iba't ibang anyo, katangian, ugali at
higit sa lahat mayroon tayong iba't ibang abilidad. Lahat tayo ay espesyal
kahit na hindi pareha ang antas ng ating buhay.
C.
Musikang Inilapat: Bum Bum Bole Masti Mein Dole
DIYALOGO/SENARYO MULA SA PELIKULA
|
ARAL NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN NG MANANALIKSIK
|
Before entering the
room, Nikumbh Ram Shankar, an art teacher, in his class he wanted to have a
happy and fun class so he performed his skills in singing “Bum Bum Bole” while
dancing.
|
Ang pagiging isang guro ay kinikilala
bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Kaya’t responsibilid nila na
bigyan ng kasiyahan ang mga bata at huwag bigyan ng mga pahirap na
magpapasakit sa kalooban ng mga estudyante.
|
Sa senaryong ito, masasabi na isang
huwarang guro si Nikumbh. Ito ay dahil marunong siyang maging mapagdamdam sa
kanyang mga estudyante. Inaaliw niya ang mga ito dahil para sa kanya, hindi
dapat pinapahigpitan ang mga bata dahil baka matakot silang gumawa ng mga
bagay at magpaghinaan ng loob.
|
Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang
gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang misyong ito ay makakamit sa
pamamagitan ng iba't-ibang tungkulin. Wika nga ng marami, tayo ay nasa mundo
upang gumanap ng ating misyon. Hindi lamang natin kailangang isagawa o
isakatuparan ang mga ito, mahalaga rin na maglaan ng panahon upang unti-unting
tuklasin ang mga ito. Patunay laman ito na namumuhay tayo sa mundo hinda para
sa ating sarili lamang, kailangan natin maglingkod sa ating kapwa. At sa ating
pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, mahalaga ang matapat na pagtupad sa ating mga
tungkulin.
Isa tayong obrang likha ng Diyos. Biniyayaan tayo
ng talento at kakayahan na maari nating gamitin at paunlarin, hindi lamang sa
ating sarili kundi maging ang lipunan ang nawalan ng pagkakataon na makinabang.
Mawawala amg posibilidad na maibahagi mo ang kakayahan na maari sanang
magkaroon na mahalagang gamit para sa lahat. Isa ito sa mahahalagang bahagi sa
pagbuo at pag-unawa ng iyong sarili.
Bilang isang tao, dapat tayo ay magtutulungan
sa pagkaisa ng bawat isa. Ito ay magagawa natin sa pamamagitan ng mabuting
pakikitungo sa kapwa natin.
Talahanayan Bilang 2: Pagsuri sa pelikulang
“Slumdog Millionaire”
A. Tema: Diskriminasyon
DIYALOGO/SENARYO
SA PELIKULA
|
ARAL
NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN
NG MANANALIKSIK
|
A wall of light and noise as the two
walk on stage.
Cheering, music, banks of searing studio
lights. On stage, Jamal, eighteen
year-old Indian boy-man stares, petrified. He would surely turn and run but
for the iron grip on his shoulder of the smiling host, Prem Kumar.
PREM
“Welcome to Who Wants To Be A Millionaire!”
More applause.
PREM (CONT'D)
“Please
give a warm welcome to our first contestant of the night- a local from our
very own Mumbai!”
Under cover of the wild applause, Prem
ushers Jamal towards the guest's chair, leaning in and hissing.
PREM (CONT'D)
“Smile,
dammit.”
|
Sa
eksenang ito, pinapakita na ang kahirapan nina Jamal. Ipinakita ang isang
bahagi ng India. Ang marungis at pangit na bahagi nila. Ang buhay squatter.
Sindikato. Ang pakikipagsapalaran ng mga batang naulila at kailangang mabuhay
sa komunidad na kingagalawan nila. Sa buhay, hindi maiiwasan at kailangan
nating kumapit sa patalim para lamang makaahon mula sa kahirapan.
|
Ang
magkapatid na Salim at Jamal. Ang kwento nila'y repleksyon ng mga bata at mga
taong kailangang kumapit sa patalim. Hindi dahil ninais nila simula pagkabata
kundi dahil dulot ng mga sitwasyon sa buhay nila na kailangan nilang
magdesisyon ng madalian. Silang mga kapos ng edukasyon at tanging alam lamang
pakinggan ay usig at kalam ng tiyan.
Ang
motibasyon ni Jamal sa pagsali ng gameshow na “Who Wants To Be A Millionaire”
ay upang makatakas mula sa paghihirap at balikan siya ng kaniyang true love
at kababatang si Latika.
|
A(1).
DIYALOGO/SENARYO
SA PELIKULA
|
ARAL
NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN
NG MANANALIKSIK
|
5 INT. POLICE INTERVIEW ROOM. NIGHT.
The lights seem to bore into him but
Jamal manages a tentative smile. Out of nowhere, a hand slaps him ferociously
across the face. Then again and again.
Blood trickles from his mouth.
The studio lights have seamlessly
transformed into the harsh bulb of an interrogation light. Jamal is strung from
the ceiling by his arms.
CONSTABLE SRINIVAS
“Your name, bhen chod.”
Constable Srinivas's hand pulls back
Jamal's head by the hair, forcing him to stare directly into the lights.
CONSTABLE
SRINIVAS (CONT'D)
“Your
name!”
JAMAL
“Jamal
Malik.”
And seamlessly we are back....
6 INT. STUDIO. NIGHT. 6
...on the set of Who Wants to be a
Millionaire. Prem leans back in his chair, a man at home in his surroundings. Jamal sits opposite,
frozen.
PREM
“So,
Jamal, tell us a bit about yourself.”
Close on Jamal's face. Without warning,
it is shoved under water.
7 INT. BUCKET. NIGHT. 7
We
look up from the bottom of the bucket at the screaming face of a drowning
man. His head shakes desperately, pointlessly. Then Jamal's face is dragged up
again, roaring for breath. Close on his eyes.
|
Hindi
dapat pinipilit at inaabuso ang mga taong kagaya ni Jamal dahil sila ay
mahihirap at madaling bintangan. Wala siyang ninakaw, niloko at dinaya
subalit iyon ang inihusga sa kanya. Dapat hindi natin pangunahan ang mga
bagay-bagay lalo na’t wala tayong pruweba na ilalathala.
|
Si
Jamal Malik ay dinala sa himpilan ng pulisya upang paaminin. Pinadaan siya sa
iba’t ibang torture gaya ng panlulublob sa
tubig at pagsampal. Sa eksenang ito ay pinapakita ang kalupitan ng pulis para
paaminin si Jamal sa isang kasalanang hindi nito nagawa.
|
B. Mensahe: “Huwag Manghusga Kung Wala
Kang Pruweba”
DIYALOGO/SENARYO
SA PELIKULA
|
ARAL
NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN
NG MANANALIKSIK
|
PREM
“The
question, Jamal.”
JAMAL
In
Alexandre Dumas' book, The Three Musketeers, two of the musketeers are called
Athos and Porthos. What was the name of the third musketeer. Was it A)
Aramis, B) Cardinal Richelieu, C) D'Artagnan, D) Planchet.
Silence. The electronic clock ticks
loudly.
PREM
“Fifteen
seconds.”
JAMAL
“Where
are you?”
LATIKA V/O
“I'm-
I'm safe”.
PREM
“Ten
seconds. So, Latika, what do you think?”
Silence.
PREM (CONT'D)
“Five,
four, three, two, one. Time's up! Your answer.”
LATIKA V/O
“I
don't know.”
The audience groan.
PREM
“Oh...”
LATIKA V/O
“I've
never known.”
PREM
“You
really are on your own, now, Jamal. Your answer: for twenty million rupees.”
Jamal shrugs.
JAMAL
“A.”
PREM
“A.
Because?”
JAMAL
“Just...because.”
PREM
“Apka
final jawab?”
JAMAL
“Yes.
Final answer. A. Aramis.”
The lights dim, the music crescendoes.
A buzz runs around the audience.
Prem pushes the button on his computer. Stares hard at Jamal.
PREM
“Computer-ji
A lock kiya-jaye. Jamal Malik, Call Centre Assistant from Mumbai, for
two Crore, twenty
million rupees, you
were asked who the Third Musketeer was in the novel
by Alexandre Dumas.
You used your final life-line to phone a friend. You answered A. Aramis..... which is... I
have to tell you... the
correct answer!”
Wild applause. Prem jumps up and pulls a
bemused Jamal to his feet,
raising his arm in the air. Jamal is smiling, but disorientated.
PREM (CONT'D)
“Ladies and Gentlemen, Jamal Malik,
Crorepati! What a night! We have all been present at the making of history,
Ladies and Gentlemen! Jamal Malik, millionaire!”
JAMAL
“Latika?
Latika?”
To ever-increasing roars and applause
from the audience, Prem escorts Jamal off-stage.
|
Dito
sa eksenang ito, si Jamal ay nanalo sa pagligsahan. Sa isang game show na
wala siyang ninakaw, niloko at dinaya subalit iyon ang inihusga sa kanya.
Ngunit sa huli'y nangibabaw ang katotohanan. Ang katotohanang life is not
always been unfair. Kung unfair man ngayon, maniwala ka iyan ang magdadala sa
iyo sa isang patas na laban.
|
Ang
paglalagay ng milieu ng isang sikat na game show ay nakadagdag sa anghang ng
pelikula. Dahil ang mga sagot sa bawat tanong kay Jamal ay naging bahagi na
ng buhay niya. Tanong nga sa umpisa ng pelikula kung paanong nanalo ng milyon
si Jamal at ang sagot sa pagtatapos ay: IT IS WRITTEN. Hindi siya genius.
Hindi siya ang pinakamatalinong tao sa buong mundo. Buhay ang nagturo sa
kanya lahat ng sagot. Ang kanyang sariling buhay. Masasabing sa kabila ng mga
pangyayaring nagdala sa kanya sa mundo ng pagnanakaw, panloloko at
pandaraya'y iyon pala ang magiging daan upang maipanalo niya ang isang game
show.
|
B(1).
DIYALOGO/SENARYO
SA PELIKULA
|
ARAL
NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN
NG MANANALIKSIK
|
LATIKA
“Jamal?”
Jamal forces himself through the
people. Nothing will stop him. Latika too is shoving them aside until they are
face-to-face. They stop, look at each other, and hold each other's hands
tight. The whole station seems frozen, the only movement from a thousand
bodies being Jamal and Latika.
LATIKA (CONT'D)
“I thought we would meet again only in
death.”
He shakes his head.
JAMAL
“I
knew you'd be watching.”
Jamal puts his hand on Latika's chin,
turns her head gently so that she is facing him. He sees the knife scars on
her cheek for the first time. She tries to turn her head, but he won't let her.
Runs his hand slowly down the
scar. Rests his hand there.
JAMAL (CONT'D)
“This
is our destiny.”
He gently kisses the scarred cheek.
JAMAL (CONT'D)
“This
is our destiny.”
The camera pulls back and back, rising
above the station. The music
starts and the frozen station comes alive, two thousand kurta-clad men and
saree-clad women dancing in and out and on top of the trains, an unbound celebration
of hope and humanity that has at its centre, Jamal and Latika.
|
Ang
tagpuan na ito ay nakakapukaw ng diwa at kamalayang, ang buhay natin ay hindi
pulos pandaraya at panloloko upang makuha natin ang ating mga pangarap. Sa
ganang pagdating ng hindi inaasahang magandang oportunidad bagaman akusahan
man tayong mandaraya ay mangingibabaw pa din ang katotohanang, kapalaran ang
naghatid sa atin ng isang malaking biyaya. Kapalarang hindi ibang tao ang
gumawa at nagdikta, instrumeto lamang sila kundi ikaw pa rin mismo, tayo
mismo sa ating mga sarili, desisyon at pananaw na siyang magtatakda at
magdadala sa atin sa dulo ng tulay.
|
Ang
puntong pilit ipinasok ang anggulong love story upang maging commercialize
ang pelikula. Subalit sa kabuuan halos hindi mo na mapapansin ang love story
na yun. Kundi naisip na parte naman talaga siya ng buhay. Na may mga bagay at
desisyon sa buhay natin na ginagawa talaga natin out of love. Hindi lang sa
opposite o same sex. Kundi maging sa mga mahal talaga natin sa buhay, Ang
pamilya. Kaya nga ba, kahit gusto kong kamuhian si Salim ay hindi ko pa din
nagawa. Kasi nangibabaw ang pagmamahal niya kay Jamal, Sa kanyang kapatid.
Ang mga sakripisyo niya. Mga pagbuwis at pagkapit sa patalim ang siyang
naging daan upang manatiling buhay silang magkapatid. Bida-kontrabida ang
dating ni Salim. Isa pa'y ang tila walang pakialam at realisasyon ni Jamal sa
lahat ng buting ginawa ng kapatid na si Salim. Na mas mahalaga sa kanyang
makuha ang babaing minamahal kaysa maiahon ang kapatid sa lusak. Na sa ending
ng kwento walang closure kung paano niyang tinanggap ang pagpapakamatay ng
kapatid na kung tutuusin sa buong tinakbo ng pelikula ay 75% niyon ay kwento
nilang magkapataid. Subalit ang ending, si Jamal at si Latika ang mas
binigyan ng prayoridad.
|
C. Musikang Inilapat: Jai Ho
DIYALOGO/SENARYO
SA PELIKULA
|
ARAL
NA MAPUPULOT
|
PAGPAPAKAHULUGAN
NG MANANALIKSIK
|
In a TV show, an
18- year old young man named Jamal Malik, is about to win $ 320,000 on Who
Wants to be a Millionaire. He only needed one, last correct answer. With the
help of his friends, he filled it correctly. In completion, after he won all
the characters in the film danced the song Jai Ho that means that they had
overcome all their difficulties.
|
Sinasabing
ang buhay ay parang isang gulong sapagkat di sa lahat ng panahon tayo ay nasa
ibabaw o nasa ilalim. Ang gulong ng buhay ay patuloy na iikot at sa takdang
panahon ay magbabago din ang landas ng ating kapalaran. Parang buhay ng tao,
minsan masaya, minsan malungkot. Minsan maginhawa, minsan taghirap. Para
ipakita na tayo ay nagtagumpay, iindak natin ang ating sarili sa tunog ng
musika na magdadala sa atin sa maginhawang panig ng buhay.
|
Ang
buhay ng tao ay kaakibat ng mga pangyayari at karanasang nagbibigay-kulay at
kabuluhan sa kanya. Ang mga karanasang ito, mabuti man o masama ay maaring
nagpatibay o nagpahina sa kanya. Ayon sa ibang pagkakuro ang mga ito ay
pagsubok lamang. Ang bawat pagsubok na ito ay hamon sa ating katatagan. Ang
isa pa sa mga maipagmamalaking katangian ay ang pagkakaroon niya ng
Katatagang-Loob. Sa lahat ng mga pagsubok na nararanasan ni Malik ay kinaya
niyang humarap sa mga hirap at sakit anupa’t siya’y magbabangon at muling
magsisimula. Makikita ito sa isang taong may gustong abutin ang ninanais o
pangarap, dahil sa pagnanais o pangarap ay nagkakaroon ng pagtitiyaga sa nais
abutin kahit ano pa man ang mangyari, kayang magsakripisyo, kayang mag-alay
ng sarili, at ialay ang lahat matupad lang ang ninanais dahil hindi giginhawa
ang isang tao kung hindi siya magtitiis at magsisikap.
|
|
Mananaliksik
|
Opinyon
|
Angelette Lyca Pizaña
Katanungan: Anu-ano ang mga bagay na ating matutuklasan sa
likod ng mga pelikulang tatak-
Indie? Ito ba ay
mapupulutan ng mga makabuluhang aral?
|
Sa pagbuo
ng pelikula, ang bansang India at America ay nangunguna sa larangan ng
malinaw at magandang sinematograpiya at makabagong teknolohiya para
maka-produce ng ganitong mga pelikula na tinatangkilik sa buong mundo.
Sa
Hollywood, masasabing mas angat sila sa Bollywood sa ngalan ng mga makabagong
paraan nang pagbuo ng mga 3D na pelikula ngunit masasabi ko pa rin na ang
pelikulang Bollywood ang pinakamahusay gumawa ng mga pelikula. Nasabi ko ito
dahil habang ako ay nag-ipon ng mga datos at impormasyon tungkol sa
pelikulang Bollywood, ginugol ko ang aking oras, pinag-aralan magdamag at
minsan pa nga'y natutulog na ako ng 2 A.M. para sa pananaliksik na ito,
natuklasan ko ang kaibahan ng pelikulang Bollywood sa kanilang pamamaraan sa
paggawa ng mga pelikula. Alam natin na sa Hollywood, kahit anong klase ng
pelikula nila ay mayroong mga senaryong nauugnay sa mga malalaswang eksena.
Kahit ang klase ng pelikula ay pang-suspense, hindi pa rin ito angkop sa mga
bata at sa mga kabataang manonood dahil hindi nawawala ang mga senaryong ito
at kailangan pa ng patnubay galing sa magulang. Maraming mga pelikula galing
sa Hollywood na banned sa ating bansa dahil sobra na ito sa mga sekswal na
eksena.
Sa
Bollywood, kadalasan sa mga pelikula ay pang - inspirational. Napapansin ko
rin kadalasan sa mga pelikula nila na kahit umabot pa ng dalawang oras ang
kanilang pelikula, kahit isang kissing scene ay wala ka kung anumang makikita
kahit ang genre ng pelikula ay love story. Puno ng mga mapupulutang aral at
mahahalintulad sa totoong buhay ng mga bata, kabataan at pati na rin
magulang, ito ang pinakagusto ko tungkol sa pelikulang Bollywood.”
|
Raeselle Resurreccion
Katanungan: Anu-ano ang mga bagay na ating matutuklasan sa
likod ng mga pelikulang tatak-
Indie? Ito ba ay
mapupulutan ng mga makabuluhang aral?
|
Matutuklasan
natin sa mga pelikulang Indies ang iba’t ibang kultura at tradisyon ng mga
Indiano. Madidiskubre rin natin ang iba’t ibang estilo sa kanilang mga klasik
na sayaw, sayaw sa makasaysayang tradisyon o katutubong sayaw.
Ang mga aktor sa mga pelikulang Indies ay
mayroong mga magaganda at makakatindig-balahibo na boses. Dahil dito, mas
lalong naging magandang tingnan ang pelikula. Ang mga boses ng mga aktor ay
lalong nagpapa-touching sa kwento
lalo na kung ang storya ay tungkol sa masalimuot na karanasan.
|
Kaylie Lawas
Katanungan: Bakit kadalasan
sa mga pelikulang Bollywood ay may kaakibat na mga sayaw at awit?
|
Kadalasan
sa mga pelikulang Bollywood ay sinasangkapan ng kanilang tradisyon at kultura
una dahil isa itong malaking ambag sa kanilang pangangalaga sa kanilang
nakagisnang tradisyon para nang sa gayon ay maepreserba nila ito at maipasa
pa sa susunod na henerasyon at dito ay makikita ang kanilang malaking respeto
at pagmamahal sa kanilang mga ninuno na pundasyon at pinanggalingan nito.
Ikalawa ay
gusto nilang maipalago ang kanilang ekonomiya at naisip nilang malaking ambag
din ang paggamit ng kanilang tradisyon para makatulong sa pagpapalago nang
kanilang industriya sa larangan ng pelikula. May malaking impakt ito dahil
alam nilang magnanasa ang mga turistang nanonood ng kanilang pelikulang may
bahid ng tradisyon na masilayan at minsan na maging parte ng kanilang kultura
sa pamamagitan ng pagbisita sa bansang India. Sa pamamagitan nito ay
mapapalaganap nila ang turismo sa bansa na makakaambag nang malaki sa
kanilang ekonomiya at makakatulong na rin sa mga malalaki man o maliliit na
kompanya at sa pangkalahatang mamamayan na rin.
Ang mga
tradisyunal na awit, sayaw at tugtugin ay mahalagang bahagi ng
pagkakakilanlan ng nagsasagawa nito, kung kaya masugid na binibigyang suporta
ng industriya ang pagpapanatili ng mga ito. Karagdagan pa riyan, ang
pagpaparami ng anyo, ang pagpapakita at pagpapalaganap ng nilalaman nito may
malaking tulong sa lipunan ng India. Ang isang malakas na kaisipan ng
pagkakakilanlan ay isang mahalagang elemento ay nagpapalakas sa mamamayan at
kultura.
Sa kabuuan,
kung hindi mapapagtantong mabuti, tila masarap man sa pakiramdam na moderno
at makabago ang kulturang maesasapelikula sa simula pero hahanaphanapin pa
rin ang kinalakihang kultura kaya dapat lang talaga nating suportahan ito.
Dapat nga na isaisip at isapuso ang kasabihan na "Ang taong hindi
marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang ninanais
na patunguhan", Dahil sa huli't huli ay babalik-balikan pa rin ng bawat
isa ang kanilang pinanggalingan.
|
Lord Rayce Wamar
Katanungan: Bakit kadalasan
sa mga pelikulang Bollywood ay may kaakibat na mga sayaw at awit?
|
Kadalasan
sa mga pelikulang Bollywood ay may kaakibat na mga sayaw at awit dahil ito
minsan umaakit nang atensyon sa mga taong manonod sa mga pelikula. Ginagamit
sa Bollwood ang sayaw at awit upang maipahiwatig ang kanilang kultura sa mga
tao.
Sa kultura,
kagaya nang sayaw, sila ay gumagamit nang mga kasoutang ubod ng ganda. Ang
awit nila minsan o kadalasan ay matataas ang awit. Ang mga sayaw at awit din
ay nagbibigay ng excitement sa buong pelikula upang mas magandahan sa
panonood nito.
Ang
halimbawa nang paggamit nang sayaw at awit sa Bollywood ay ang mga pelikulang
“Slumdog Millionaire” at “Every Child is Special” na napili naming
saliksikin. Minsan ang mga kanta at sayaw ay nagpapahiwatig nang emosyon
galit, lungkot man o masaya
Ang
Bollywood ay ang mga pelikulang mula sa India. Ginawa at denisyenyo sa India,
ito ay kagaya nang Hollywood ngunit mas maraming sayaw at awit.
|
Donna Cabantoc
Katanungan: Ano ang
nakakapaghiwaga sa mga pelikulang ito?
A. Tema
|
Mahiwaga
ang tema na ginagamit sa pelikula na Bollywood dahil itoy kakaiba at walang
katulad.Mahiwaga ang tema na ginagamit nila dahil malalim ang kanilang
paniniwala at ideya pag dating sa kanilang mga pelikula.
Ang
kanilang pelikula ay halo-halong sining at ideya na nakakapang akit sa ating
mga mata at nakakagana sa ating isipipan upang panuurin pa ang ibang
Bollywood movies. Higit na nagbibigay hiwaga dito ang kanilang musika na
ginagamit kapag silay kumakanta sa gitna ng pelikula. Ang musika nila ay
lubos na nagbibigay hiwaga dito.pangalawa ay ang kanilang mga kasuotan o
"fashion" na ating nakikita sa bawat pelikula nila. Ang kanilang
mga kasuotan ay nagdadagdag kulay at hiwaga sa mga manonood. Sunod ay ang
kanilang mga diyalogo na may malalim na kauhulugan na mismo tayong manonood
ay nais malaman ang tunay at higit na kahulugan nito. Ang kombinasyon ng
kanilang musika, kasuotan, diyalogo at lugar kung saan sinasagawa ang
pelikula ay ang pangunahing nagbibigay hiwaga sa Bollywood movies.
|
Raye Johann Mariñas
Katanungan: Ano ang
nakakapaghiwaga sa mga pelikulang ito?
B.
Mensahe
|
Ang
nagpapahiwaga sa mensahe ng mga pelikula ng mga Indiano ay ang kakaibang tama
o epekto nito sa mga manood. Ito ay nagtataglay ng mga aral sa buhay na
naranasan din ng mga manonood. Ang mga pelikula ng mga Indiano, sa mga nakita
ko ay tungkol sa pasakit at pagmamahal sa pamilya. Sikat din ang mga
pelikulang ito dahil sa emosyonal na pangyayari sa storya. Ito ay nagtataglay
ng magaganda at magagarbong aral o mensahe. Ang gitsto ko lang sa mga
pelikula nila ay ang kanilang parang mayroong koneksyon sa nararanasan ng
tao.
|
Kent Truman Cabellon
Katanungan: Ano ang nakakapaghiwaga sa mga pelikulang
ito?
C.
Musikang Inilapat
|
Mahiwaga
ang kanilang musika dahil ito sa kanilang pagmamahal sa musika. Ayon sa aking
natutunan noong nakaraang taon ay ang mga Indiano ay mahilig sa musika at kng
gumagawa sila ng musika ay minsan ito ay patungkol sa kanilang Diyos. Dito ko
nalaman kung paano at gaano kahalaga, mahal at banal ang kanilang musika.
Sa tuwing
makikita mo ang kanilang pelikula, umaawit at sumasayaw ang mga bida. Hindi
ito mawawala sa kanilang pelikula dahil ito ang nagpapaiba sa kanila mula sa
ibang manggagawa ng pelikula. Ang nakakaiba sa musikang inilapat nila ay
ginagawa nila ito mula sa kanilang puso’t isipan at mayroong mensahe na
babakas at babakas sa puso ng bawat manonood.
|
Sa kabuuan, ang mga inilahad na datos sa talahanayan ang nagpapatunay sa hiwaga ng mga pelikulang Hindi/Bollywood.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento