Huwebes, Oktubre 16, 2014

PAGTUKLAS SA HIWAGA NG PELIKULANG BOLLYWOOD 2007 - 2008



PAGTUKLAS SA HIWAGA NG PELIKULANG BOLLYWOOD 
2007 - 2008



St. Catherine’s College

Carcar City, Cebu

Basic Education Department

S.Y. 2014 - 2015


Inihanda nina:

Angelette Lyca Pizaña

Kaylie Lawas

Raeselle Resurreccion

Donna Angelica Cabantoc

Lord Rayce Wamar

Kent Truman Cabellon

Raye Johann Mariñas



Oktubre 2014

PAGHAHANDOG



PAGHAHANDOG



PAGHAHANDOG

Taus-puso po ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa mga taong walang sawang sumoporta, tumulong at gumabay  para sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito. Gustong bigyan ng pasasalamat  ng    grupo,  sa  mga  inspirasyon  at  mga naging  bahagi  ng  riserts  na  ito.  Una  sa  lahat,  nagpapasalamat  ang mga manunuri  sa  Poong Maykapal  na  siyang  nagbigay  ng  tatag  at  lakas  sa  lahat.  Sa  kanyang  pag-iingat  at pag-gabay  sa  mga  gawain  sa  araw-araw  at  sa  mga  biyayang  walang hanggan  na  siyang  nangunguna  na  naging  dahilan  ng mga nilalang na mananatili  sa mundong kanyang nilikha.

Sa  mga  magulang ng mga mananaliksik  na  walang  sawa  sa  pagsuporta  sa    pag-aaral at  pagbibigay  sa  lahat   ng  suportang  moral,  maging  pinansyal,  upang  makapanaliksik  ng  maayos  at  para  maipagpatuloy  ang  pag-aaral.

At  higit  sa  lahat,  sa  pinakamamahal,  kagalang-galang  at  mabait na  guro ng mga mananaliksik, G. Rufino Martinez Jr.,  na  walang  sawang  gumabay  sa mga manunuri sa  pag-aaral  sa  asignaturang  Filipino.  Gayundin  sa  bawat  kasapi  ng  pangkat  na  nagbigay  at  nagbuhos  ng  oras  at  pagod  upang  ang  pananaliksik  na  ito ay  maisakatuparan.

Malugod din na nagpapasalamat ang mga manunuri sa lahat ng mga naging daan upang makamit nito ang pangunahing layunin na magawan ng isang tipikal na tesis o pananaliksik ang mga pelikulang India na mas kilala bilang Bollywood. Hindi ito maisasakatuparan kung walang mga manunulat, mamahayag at mga kritikong masuring nanaliksik sa bawat detalye na bumubuo sa nasabing mga pelikula. Sa lahat ng mga kahanga-hangang aktor. Sa malaking tulong ng makabagong teknolohiya at internet at sa lahat ng website na pinagkunan ng mga mananaliksik. Magiging imposible ang proyekto kung wala kayo kaya sana'y inyung tanggapin ang aming pasasalamat, tunay na malaki ang aming utang na loob sa inyo. Pagpalain sana kayo ng Diyos na Maykapal ng masaganang buhay.

KABANATA I: ANG PANIMULA


KABANATA I
ANG PANIMULA






A. Rasyonale ng Pag-aaral

        Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay, o pasubali. Bi- nubuo ito ng mga proseso ng paglilikom, pagtatanghal, pagsusuri, at pagpapaliwanag  ng mga pangyayari o katotohanan na nauugnay sa espekulasyon ng tao sa katotohanan.
       Ayon kay San Miguel (1986) ang pananaliksik ay isang sining tulad ng isang komposisyon ng musika kaya't kaming mga mananaliksik ay sinusubukang bigyan ng maingat at tamang paghatol ang pagsusuri kung anong hiwaga ang matutuklasan sa         pelikulang Bollywood.
         Ang Bollywood ang tawag sa popular movie making industry ng Indya na galing  sa Mumbai (kaya tinawag na Bollywood;  pinagsamang Bombay--old name ng Mumbai at Hollywood). Ito ay isang film sa industriya na may maraming genre. Marahil, ang pi-  nakamalaking impluwensiya ng Bollywood ay naging sa nasyonalismo sa mismong In-  dia. Ito rin ay naging bahagi at parsela ng kwento ng Indya noong mga panahong sila   ay nagpupunyagi sa kakulangan ng sariling kalayaan.Nag-rerepresenta ito sa India bi-   lang kaisahan, hindi lamang sa isang partikular na relihiyon, wika, heograpikal na lugar, o caste. Sa mga nagdaraang taon, unti-unting nagsimula ang Bollywood na maging ma-impluwensya sa musical films ng mga taga- Kanluran at sa ibang panig ng mundo.
        Ang Mumbai ay batay sa Hindi language film industry, na kung saan ito ay bansag na tawagin bilang Bollywood. Gumagawa ito ng higit sa 800 na mga pelikula bawat taon. Sa mga pelikulang ito, tinatampok ang mga kantang matatanyag sa India at madalas na binansagang “heartline of Indian popular culture”. Sa katunayan, ang mga kantang Bollywood ay isa sa mga pinakahinahanap na aytem sa Web mula sa India. Sa paglipas ng dekada, ang mga musika na ito ay naiimpluwensyahan ang buhay at kultura hindi lamang sa India, ngunit karamihan sa mga bansang mula sa Asya, Aprika, Silangang Europa, at kamakailan lamang ay sa North America.

           Kadalasan sa mga pelikulang Bollywood ay naglalaman ng mga nakakapag-      antig na musika sa anyo ng sayawan at awitan. Ito ay para makatulong para mawili ang mga manonood at madagdagan ang madlang gustong manood ng sinasabing pelikula. Ang sinaunang musikang ginamit sa industriya ay naimpluwensiyahan ng mga klasikal na musika ng India. Gamit ang klasikal na “ragas” at “talas”. Ito ang nagbigay buhay sa  industriya sa mga taong lumipas. Ito ay may malaking parte sa kabuuan ng pelikula.     Ang mga pangunahing direktor sa musika ng Bollywood fims ay may iba’t ibang pinang-galingan, mayroong klasikal na tinuruan, ang iba naman ay nasa tradisyon, at may         ibang pansariling natuto lamang. Binibigyan ng pansin ng mga pelikulang ito ang kaha-  lagahan ng sarili bilang isang tao. Ang kanilang mga paksa rin ay tulad ng mga star-     crossed lovers at galit na mga magulang, love triangles, family ties, pagsakripisyo,        korupt na mga pulitiko, kidnappers, mga taong pahamak, nawawalang mga kadugo at   kapatid na sinubok ng tandahana, at iba pang iginuho ng trahedya.
Karapat-dapat na ito ay suriin dahil kapag ang isang tao ay makapanood ng         isang pelikula  na gawa  sa bansang India, masasabi talagang mahusay sila gumawa  ng mga pelikulang mapupulutan ng aral. Sa mga eksena, makikita mo na pinag-isipan   talaga ang bawat laban at hindi lang "suntok-sipa-tadyak" formula. Pati na rin ang cine-matography at pangkalahatang postproduction ay pinagbuhusan ng panahon. Kumbaga mayroon lamang konting kapintasan. Ang buong pelikula ay mayroong tamang timpla  ng takbo ng storya, tamang timpla ng drama, tamang timpla ng kilig, tamang timpla ng  aksyon, tamang timpla ng pagtagpi-tagpi ng mga pangyayari, at may saysay ang lahat  ng karakter. Sa kabuuan, masasabing ang pelikulang Bollywood ay ekselente at glamo-roso dahil sa uniqueness na tinataglay nito.
              


 
B. Paglalahad ng Suliranin



Ang buong paligid natin ay puno ng suliranin. Kahit sa komunidad na ating tinitirhan pati na rin sa loob ng klasrum na ating tinitigilan habang nakikipag-interaksyon tayong mga mag-aaral’t guro, maraming suliranin na lumalabas. Mayroong mga suliranin na madaling malulutas subalit ang iba nito ay masalimuot at nangangailangan ng mga plano at hakbang. Sa pamamamagitan ng pag-aaral na ito, nais naming mga mananaliksik na bigyan ng mga kasagutan, matamo at lutasin ang mga sumusunod na suliranin:




1.) Anu-ano ang mga bagay na ating matutuklasan sa likod ng mga pelikulang tatak-Indie? Ito ba ay mapupulutan ng mga makabuluhang aral?


2.) Bakit kadalasan sa mga pelikulang Bollywood ay may kaakibat na mga sayaw at awit?

3.) Ano ang nakakapaghiwaga sa mga pelikulang ito?

      3A. Tema

      3B. Mensahe

      3C. Musikang Inilapat 



C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral


Layunin ng Pag-aaral

 Ang layunin ng mga mananaliksik sa paggawa ng Pamanahonang Papel ng mga piling pelikulang Bollywood ay upang makahatid ng kaalaman sa kultura at systemang pelikulang mga Indiano. Ito rin ay upang makabigay ng inspirasyon sa mga manonood at mabigyang kulay ang kanilang pag-iisip, mata at damdamin sa mga sining ng pelikulang Bollywood.

Mapalawak ang kaalaman ukol sa mga pelikulang Indiano. Makakuha ng mga karagdagang impormasyon ukol sa mga uri ng pelikul. Upang malaman ng mambabasa ang kahalagahan ng mga pelikula sa buhay ng bawat isa.

Upang malaman nila ang kaibahan at paraan ng mga Indiano pagdating sa pelikula at kung paano isinasagawa ang kanilang pelikula na may halong musika. Para rin  malaman ng mga manonood na ang kanilang pelikula ay sadyang natural at masasabing walang kapareha lalo na ang estilong pag-arte ng mga artista at ang lugar na kung saan isinasagawa ang nasabing pelikula.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang mabatid sa isipan at damdamin  ng nga tao na kahit na magkaiba tayo ng tradisyon at paniniwala ay nagkakaisa pa rin  ang ating mga puso’t isipan habang pinapanood ang kanilang pelikula dahil ito ay puno ng aral at talagang nangyayari sa tunay na buhay.

Sa mga mag-aaral, angkop ito para sa kanila dahil marami ring mga aral na pwedeng mapulot sa kanilang mga pelikula at ang mga aral na iyon ay maaari naman   nilang magamit sa pang araw-araw na karanasan at pamumuhay bilang isang estudyante.

Sa paraan ng pag-aaral na ito, maaring makahanap ng mga mabisa at makabu-  luhang datos ang mga mananaliksik at magagamit nila ang mga nakalap na imporma-  syon sa tatlong aspeto: sa personal na buhay, sa pag-aaral, at sa paraan ng pamumu- hay.

           Makakapagbigay ng kalaman ang pamahonang papel na ito sa mga guro, propesor o kaya't sa mga magulang na gustong malaman kung paano nila matutulungan   ang kanilang mga estudyante't anak upang mabawasan ang pagkawala ng moralidad  at kalinisan ng ugali dulot ng mga makabagong teknolohiya at sa pamamagitan ng mga pelikulang inalabas ng mga Indiano, magsisilbi itong leksyon para mamulat ang mga kabataan sa sidhi at kalupitan ng pamumuhay ng mga makabagong tao sa mundong ibabaw.

 
D. Batayang Teoritikal

    Ang mga pelikulang gawa ng mga Indiano ay ilan sa mga pinakasikat at tinatangkilik sa mundo. Gayunpaman, batay sa mga dalubhasa’t mabusising pag-aaral ng mga kritiko, ang mga pelikulang ito ay nanatiling minamiliit at hindi binibigyan ng kahulugan, hanga at importansya ng karamihang tao na nagsasalita ng Ingles, sa bahagi na kultural na kadahilanan.

    Sa aklat ni Patrick Colm Hogan na “Understanding Indian Movies: Culture, Cognition, and Cinematic Imagination” , tinatakda ng manunulat na sa pamamagitan ng puspusan na pagtatasa at pagbibigay ng mga detalyadong paliwanag ng kultura partikular na sa impormasyon tungkol sa kasaysayan ng India at iba pang mga tradisyon ng bansa ay mababago ang isipan ng mga taong-Ingles at kalaunan ay mauunawaan na nila ang mga kapuri-puring  pelikula ng mga Indiano. Pinag-aralan ni Hogan ang labing-isang mahahalagang pelikulang Bollywood na magsisilbing kasangkapan upang masiyasat ang kayarian ng paksa, tema, damdamin, tunog, at estilo ng visual sa Indian cinema.

     Sa kabilang banda, mula pa noon, ang pelikulang Bollywood ay laging natatangi at puno ng sining pati na rin sa moral na aralin. Malinaw na nagpapakita ang bawat peli-kula kung paano naging kakaiba ang kultura ng Indian. Ito ay binubuo ng sari-saring uri ng mga kanta at sayaw na ginagampanan ng mga pangunahing karakter at inaaalayan ng maraming sumusuportang tauhan. Bilang karagdagan, pagdating sa pagsasayaw at pagkanta, marami sa mga manonood ay nagsasabing kamangha-mangha ang kanilang  mga pelikula. Ang mga Bollywood na pelikula ay bukod na hinahangaan sa Asya at sa mga karatig na bansa dahil sa aliw na hatid nito sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang mga energetic na mananayaw, makulay at kultural na mamihasang mga costume, at makabagbag-puso at kagilas-gilas na tagpuan.



        Ang figyur na nasa itaas ay nagpapakita ng isang konseptong teoretikal na isa sa mga layunin sa isinagawang pananaliksik. Nakasaad sa figyur ang mga paksang may kaugnayan sa epekto at sa magiging apektado ng mga pelikulang Bollywood.


E. Saklaw at Limitasyon



            Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga pelikulang Bollywood at mga epekto nito sa pagbibigay kasiyahan at libangan sa mga tao saanmang sulok ng mundo. Ito ay isasagawa upang makasagap ng kaalaman sa kahalagahan ng mga pelikula   ng mga taga-India. Binibigyan pansin sa pananaliksik na ito ang mga importanteng   impormasyon ukol sa konspeto. Ang pasusuring ito ay umiikot sa produksyon na      gawa ng mga Indiano.

           Sinasaklaw din ng pananaliksik na ito ang pagsusuri kung alin ang nagpapa- hiwaga sa mga pelikulang Bollywood, mga palagay ng mga estudyante ukol sa pag- lago ng impluwensya nito sa buhay ng karamihan, at sa kung papaanong paraan na-kakatulong at nagagamit nila ang mga aral na hatid ng mga pelikulang ito.

           Isinasaalang-alang lamang dito ang opinyon ng mga estudyante sa loob ng in-stitusyon ng St. Catherine's College. Hanggang dito lamang ang saklaw ng panana- liksik na ito at hindi na masyadong palalawakin pa.
           Ang paglalahad ng mga datos na nagpapahiwaga sa mga pelikulang tatak-      Indie ay isa sa mga tatalakayin sa pananaliksik na ito.
 



F. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa kapakanan, kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa, binigyang     depinisyon ng mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ito ginagamit sa pamanahonang papel.
Bollywood – Ito ay tumutukoy sa mga pelikulang Indian. Isa ito sa pinakamalaking sentro ng produksyon ng pelikula sa buong mundo.
Cinematography – Ito ay ang elementong nagpopokus sa paggawa ng isang pelikula na tunay na nagbibigay- pakinabang sa karanasang batid ng mga mata.
Dyslexia – Ito ay isang terminong ginamit sa pagtukoy sa isang pag-aaral ng kapansanan na nagpapahina ng husay sa pagsasalita o pagbabasa na nagpapakita bilang isang paghihirap na may kamalayang phonological, phonological na pagbabasa, pandinig panandaliang memorya at rapid naming.
Eksena – Ito ay isang kaganapan o pangyayari.
Pananalikisik – Ito ay ang paraan ng paghahanap ng teoriya, pagsubok sa  teoriya o paglutas ng isang suliranin.
Genre – Ito ay tumutugon sa anumang uri ng babasahin na nakasulat sa teksto.
Hollywood – Ito ay karaniwang ginagamit na metonimiya ng industriya ng sineng Amerikano.
Indie – Ito ay ang tawag sa mga taong nakatira sa bansang India. Ito ay ibang     terminolohiya sa salitang Indian.
Mumbai – Ito ay dating kilala bilang Bombay (mula sa Portugese na Bombaim),  ay ang kabisera ng Maharashtra na isang estado ng India at pinakamaraming populasyon na lungsod sa India.
Penomena – Ito ay ang anumang estado o proseso na kilala sa pamamagitan ng mga pandama kaysa sa pamamagitan ng Swersey o pangangatwiran.
Postproduction – Ito ay ang gawain sa isang pelikula o isang programa sa telebisyon, tulad ng pag-edit, dubbing, atbp, na nangyayari pagkatapos makumpleto ang videotaping.
Ragas – Ito ay isang halimbawa ng kinikilalang sayaw na may mahikang kapangyarihan na magpagaling ng sakit.
Talas – Ito ay ginagamit sa klasikal na musika ng India para sa maindayog na     huwaran sa kahit anong komposisyon.